Article LXIII

2K 41 0
                                    

Nag-excuse muna ako kila Kuya para makipag-usap kay King.

“Nandito ako sa Sapphire. Hindi ako nakapagpaalam. Sorry.” Napakagat na lang ako sa labi ko. I feel like the most irresponsible girlfriend ever.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

“Susunduin sana kita sa school mo kaso isang oras na kong nasa labas hindi ka pa rin nagpapakita buti nakita yung isa mong kaklase at sinabi nga nyang umuwi ka na. akala ko naman nasa condo ka kaya dun naman ako nagpunta pero wala rin pala kasi hindi ka pa umuuwi. Ilang beses mo ba kong kailangang pag-alalahanin?” mahabang litanya nya.

Napapangiti na naman ako e. “Sorry na. kung hindi ka naman busy. Iniimbitahan ka ni Kuya ngayon dito.” Aya ko sa kanya.

Ilang sandali syang hindi nagsalita sa kabilang linya.

“King?” untag ko sa kanya.

“Medyo busy ako e. next time na lang.” sagot nya sa akin. Bigla naman akong nalungkot sa sinagot nya. Kung gusto nya kong makasama bakit hindi sya makagawa ng paraan para makasama ako? O kasalanan ko na umalis ako?

“Hey. Hindi ka na nagsalita dyan. Medyo busy talaga ngayon sa office. Text mo na lang ako kapag bumalik ka na, bumili na tayo ng susuotin mo sa annual ball.” Sabi nya sa akin.

Nagbago naman agad yung mood ko nung binanggit na nya yung ball. Excited na talaga ko, lalo na nung sinabi nyang sasamahan nya ko dun.

“Sige! Pero baka bukas pa ko makauwi, medyo gagabihin na kasi ako kapag bumyahe pa ko ngayon.” Masigla kong sagot sa kanya.

“Ok. Magkita na lang tayo bukas.” Wika nya.

“Teka. Kumai--

*toot toot toot*

--in ka na ba?” mahina kong pagtatapos sa tanong ko. Akala ko hinanap pa nya ko? Ni wala pang limang minuto yung pag-uusap namin.

“Are you ok?” tanong sa akin ni Ate Chi nung lumapit sya sa akin.

“Uhh. Yeah!” pinasigla kong sagot sa kanya.

“Baka naman kasi pagod lang kaya pinatay nya agad.” Napalingon naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

“Paano?” nalilito kong tanong sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay nginitian lang naman nya ko.

“Let’s go. Hindi magandang iniiwan ng matagal ang pagkain.” Saka na sya umalis.

And she’s weird. I find her really weird. Simula nung magkita kami hanggang ngayon. Parang ang dami na nyang alam tungkol sa akin. Parang ang dami nyang alam tungkol sa lahat.

Ipinilig ko na lang yung ulo ko. Masyado lang akong nag-iisip.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para bumalik na.

Tinext ko si King na pabalik na ko at sinabi nyang hihintayin na lang nya ko sa condo ko para yung kotse na lang nya yung gagamitin naming dalawa. At katulad kahapon parang hindi nabibigyan ng hustisya ng mga galaw nya yung mga sinasabi nya. Para syang... napipilitan.

Nang makarating na kami sa mall ay panay naman ang tingin nya sa cellphone nya.

“King.. ok na ba to?” tanong ko sakanya habang suot suot ko ang isang off-shoulder red gown.

Tiningnan naman nya ko saglit saka umiling tapos hinarap na uli nya yung cellphone nya.

Nakakalimang sukat na ko at nakapagpasya na ko na hindi man nya magustuhan tong suot kong silver gown ay ito na ang kukuhanin ko. Pagod na ko at naiinis na ko sa mga pinaggagawa nya.

“How about this one?” seryoso kong tanon g sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya bago nya ko sinagot. “Sige, pwede na yan.” Sabi nya saka na sya tumayo at tumalikod.

“Babayaran ko na sa cashier yan para makauwi na tayo.” Wika pa nya.

“What the hell?” inis na bulong ko sa sarili ko.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon