Articlee XCVI

1.8K 32 0
                                    

AUTHOR’S POV

 

“Nasaan na ba kasi tayo Rafa? Teka nga, saan mo ba ko dinadala?!” inis na tanong ni Mirai dito pero patuloy din naman sya sa pagsunod sa dalaga.

“May ipapakita ako sayo.” Sagot naman nito saka ngumiti. Pero imbes na matuwa ay lalo lang kumunot ang noo ni Mirai. Ano bang saltik meron yung babae na to?

Magtatanong pa sanang muli si Mirai nang parang sa isang iglap ay napunta sila sa isang kwarto kung saan may dalawang taong nakatalikod sa kanila.

Nanliit ang mga mata ni Mirai sa nakikita. Nagliwanang naman ang mukha nya ng makilala nya kung sino ang dalawang tao na yon.

Palapit na sana sya sa dalawa para batiin ang mga ito ng bigla na lang yumakap si Red kay King habang umiiyak. Napakunot naman ang noo nya. Shit.

Ano na naman kayang ginawa ni King kay Red?!

Lumapit sya agad sa mga ito at ng hahawakan na nya ang balikat ni King ay napahinto sya.

“Of course Bave, they can make it. Malakas sila pareho. Kailangan lang nating maghintay.” Puno ng pag-aalalang wika ni King habang inaalo ang kasintahang walang tigl sa pag-iyak.

Noon lang napansin ni Mirai na may tao pa lang nakahiga sa harap ng dalawa.

Napakunot ang noo nya ng makitang may mga tubong nakakabit sa bibig at ilong nito. Para namang may sumabog na bomba sa harapan nya ng mapagtanto nyang SIYA pala yung lalaking nakahiga sa may puting higaan!

Agad nilingon ni Mirai ang nakahalukipkip na si Rafa, nakangiti ito sa kanya.

“Surprise?” tanong nito.

“W-What is the meaning of this?” litong litong tanong nya.

“Come, I’m going to explain EVERYTHING.” Tugon nito saka na sya hinawakan nito sa kamay nya at inakay palabas ng kwarto.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon