Article XXXV

2.1K 44 1
                                    

AT PRESENT

 

♪♫Sunday morning rain is falling♫♪

 

Hmmm..

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni King. Patak ng ulan sa labas ang gumising sa akin. Kasabay nito ang malamig na pagbuga ng hangin ng aircon sa loob ng kwarto ko.

♫♪Clouds are shrouding us in moments unforgettable♫♪

Lumabas ako ng balkonahe ng kwarto ko para tingnan ang kalangitan. Rainy season?

♫♪That may be all I need. In darkness she is all I see. Come and rest your bones with me♫♪

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip bigla ang malakas na hangin.

“Human blanket.” Bulong sa akin ni King habang niyayakap ako mula sa likuran.

Napangiti naman ako. Kung nasaan ako, nandun din sya. Pagkatapos kaya ng araw na to? Mananatili pa rin kaya sya sa tabi ko?

♪♫Driving slow on Sunday morning. And I never want to leave♫♪

 

“Dito na lang ako.” Pigil ko kay King na may isang kanto pa ang layo ng tintirahan ko. Kumunot naman ang noo nya at tututol na sana pero pinigilan ko labi nya gamit ang hintuturo ko.

“Shhh.. kailangan ka nila Mommy sa bahay di’ba?” paalala ko sa kanya. Halata pa rin ang pagtutol sa mukha nya pero dahil tinawag kong Mommy ang nanay nya ay parang napilitan na rin syang ibaba ako sa kanto na yon.

Ayoko pang bumaba, sabi ng isip ko habang nakatingin sa kanya.

Pero alam kong mas matagal, mas mahirap, mas masakit.

Bumaba na ko ng kotse nya pero hindi pa man sya nakakaalis nang katukin ko ang bintana ng kotse nya. Sinenyasan ko syang buksan nya yung pintuan sa gawi ko.

Mabilis akong pumasok sa sasakyan nya at niyakap ko sya ng mahigpit at ginawaran ko sya ng isang halik sa kanyang mga labi.

Nanlalaki pa rin ang mga mata nya ng lumabas ako ng kotse nya. Iwinagayway ko na ang kamay ko tanda ng pamamaalam sa kanya.

Tumalikod na ko bago pa sya umalis.

Ito na ang huling pagkakataon na makikita kong masaya ang mukha nya. Ang huling pagkakataon na titingnan nya ko ng puno ng pagmamahal. Ang huling pagkakataon na mamahalin nya ko.

Tinalunton ko na ang mahaba at malungkot na daan patungo sa lugar kung saan magsisimula at matatapos ang lahat.

Mahal kita King. Pero shit. Hindi pwede.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon