Article XLIX

2K 47 2
                                    

“I now present to you. The newest Supremo of Alpha Omega Phi! Supremo Lucas King Chavez! A big hand for my successor everyone!” may pagmamalaking anunsiyo ni Tito Troy.

Para namang automatic na akong napatayo at inabangan ang pag-akyat nya sa taas ng stage. At nang makita na namin syang lahat ay parang huminto ang oras. Walang gaanong nagbago sa kanya. Malakas pa rin ang dating nya. Nakangisi sya habang inaabot mula sa kanyang ama ang mikropono. Mukha namang ayos na sya. Mukha ngang naka-move on na sya. Pero parang ayaw tanggapin ng puso’t isip ko na nakamove on na sya.... kasi ako hindi pa.

“Good evening! It’s nice to be back. Wala na talagang mas sasarap pa sa tunay na tahanan mo. Unang una sa lahat, maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin Dad. Hinding hindi ko kayo bibiguin. Mas pagyayamanin at pauunlarin pa natin ang organisasyon, hindi masasayang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap na iniukol nyo maipaglaban lang ang grupong ito. Sa inyo aking mga pinakapipitagang mga miyembro, natutuwa akong makita kayong lahat. Hindi ko na pahahabain pa ‘to at nakikita ko na ang pagkakangisi ng mga kaibigan ko. Namiss ko rin naman yung mga pagmumukha nila. Enjoy yourselves tonight! May bayad na lahat yan bukas!” at tinapos nya ang kanyang maikling pananalita sa isang malakas na halakhak.

Kinakabahan ako. Parang may nagbago sa kanya. O paranoid lang ako?

Nakikita ko na syang papalapit sa table namin at nang sa wakas ay makarating na sya sa amin ay binati nya agad ang kanyang Mommy, niyakap nya ito at hinagkan pagkatapos nya ay ang Mommy at Daddy naman nila Drave ang kanyang binati. Habang papalapit na sya sa upuan ko ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. At nang tapos na nyang batiin si Mirai na katabi ko ay wala na kong marinig na iba kung hindi ang tibok ng puso ko na lamang.

Nang sa wakas ay tingnan nya ko. Nginisihan nya ko at dahan dahan nyang hinaplos ang aking mga pisngi at sa aking pagkagitla ay hinalikan nya ko sa harap ng Mommy at Daddy nya. Alam ko sa sarili ko na hindi ito ang halik na iginagawad nya sa akin dati. Ang isang ito ay mapagparusa, madiin, at mapang-angkin.

Nang bitawan nya ko ay hinahabol ko na ang hininga ko.

“Whoa!!” sabay na reaksyon ni Drave at Mirai.

Narinig ko naman na humalakhak si Tito Troy.

“Namiss mo talaga anak?” wika nito.

“Sobra.” Sagot nya habang nakatingin sa akin ng matiim at nakangisi.

Bakit parang may mali?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon