Article LXIV

1.8K 38 0
                                    

“May problema ba tayo King?” tanong ko kay King matapos nyang huminto sa tapat ng Edzreal.

Lumingon naman sya sa akin habang nakakunot ang noo.

“Wala.” Natatawang sagot nya.

“Yeah, right.” I answered him sarcastically.

Nawala naman ang pagkakangiti nya at sumeryoso ang kanyang mukha.

“Ako walang problema. Pero ikaw? Anong bang problema Red?” naiiritang tanong nya sa akin.

Ipinikit ko naman ng mariin ang mga mata ko. Naiiyak na ko. I need to hold on.

“Wala. Pagod lang siguro ako.” Mahina kong sagot sa kanya.

Walang paalam naman na kinalas ko yung seatbelt at mabilis na lumabas ng kotse nya. He never called me. Dati, kapag nakita nyang hindi ako ok, hindi nya ko tinitigilan hanggang hindi ako ngumingiti. Pero ngayon? Matapos kong bumaba sa Mustang nya, ang bilis din nyang nakaalis.

Ipinilig ko ang ulo ko. Ayokong tanggapin sa sarili ko na nagbago na talaga sya. Ayaw tanggapin ng isip ko na hindi totoo lahat ng ipinapakita nya sa akin. Ayaw kong isipin na laro lang ang lahat... na gumaganti lang sya.

“Ang lungkot mo ata. Bukas na yung annual ball! Ang panget panget mo!” asar sa akin ni Mikel.

Tiningnan ko lang naman sya at hinarap kong muli yung binabasa kong libro.

“Ay? Ang sunget.” Sabi nya saka sya naupo sa tabi ko. Nagpangalumbaba sya habang tinitingnan yung mga taong dumadaan sa harapan namin.

“Red.” Tawag sa akin ng boses na parang namiss ko ng marinig.

Iniangat ko naman yung ulo ko mula sa pagkakasubsob at hinarap sya.

“Mirai.” Pagkabanggit ko pa lang ng pangalan nya ay parang guso ko ng maiyak. Nakita nya lahat ng pinagdaanan namin ni King. Alam nya kung paano kami nagsimula. Nasaksihan nya kung paano ko pinaglaruan dati si King. Natatakot akong naiisip na rin nya lahat ng pangamba ko.

“Can we talk?” seryoso nyang tanong sa akin.

Tahimik naman akong tumayo at nahuli ko ang pagtagis ng bagang ni Mikel bago sya lumingon sa akin at ngumiti.

“Sige, una na ko. Mukhang may pag—uusapan kayong importante.” Paalam nya sa amin. Muli naman akong umupo at umupo na rin sa harapan ko si Mirai habang sinusundan nya ng tingin si Mikel.

“Hindi ko gusto yung lalakeng yon. Layuan mo na sya.” Seryoso nyang sab sa akin.

Napaubo naman ako sa sinabi nya at natawa.

“Bakit ba ayaw nyong lahat kay Mikel?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Para kasing...” hindi na nya tinapos yung pagsasalita nya at tumingin na sa malayo.

“Red. You know that I just want the best for you.” Wika nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Naguluhan naman ako sa sinabi nya.

“What do you mean?” tanong ko sakanya.

Umiling naman sya na parang nahihirapan.

“Can you come with me tomorrow night instead of King?” tanong nya sa akin.

Napatawa naman ako sa sinabi nya.

“Are you serious?!”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon