Article XIV

2.8K 61 0
                                    

“Dito na lang.” sabi ko kay King nang makita ko na ang entrada ng Edzreal.

“Dito ka nakatira?” tanong nya sakin habang minamaniobra sa parking lot yung kotse na.

“Uhh.. oo..” sagot ko naman.

“Condo? Kasama mo dyan parents mo?” usisa pa nito.

“Hmm. Hindi..” nagsisimula na kong maasiwa sa tinatakbo ng usapan naming dalawa. Hindi talaga ko sanay na pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya ko.

“Ah. Ok? So ikaw lang mag-isa? Nasan sila?” mukha namang curious lang talaga sya sa akin.

“Oo, mag-isa lang ako dyan. Uh. Matagal na silang patay.” Sabi ko na lang. naramdaman ko naman na naasiwa syang bigla sa sinagot ko.

“Pero may Kuya pa naman ako. Di ko nga lang sya kasama ngayon dito pero dinadalaw dalaw naman nya ko kapag walang trabaho sa opisina.” Paliwanag ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ko pa kailangang sabihin sa kanya ang lahat ng iyon. Marahil siguro ayaw ko ng dagdagan pa ang kasinungalingan na isusubo ko sa kanya. Alam kong malulungkot ang Mama at Papa kapag nakita nilang nanloloko ako ng tao. Pero kailangan ko lang talagang gawin ‘to.

Tumango tango naman sya ng marahan.

“Gusto mong pumasok?” anyaya ko sa kanya.

Umiling naman sya bago sumagot. “Hindi na. Uuwi muna ako sa bahay. May party mamaya sa Neon Lights e. Gusto mong sumama?” anyaya nya sa akin.

Napaisip ako. Mas mapapabilis lalo ang plano ko kung sasama ako mamaya. Tutal wala naman akong pasok tuwing Lunes.

“Sige. Mga anong oras ba yan?” tanong ko sakanya.

Lumaki naman ang ngiti nya sakin. “Sunduin kita ng mga 9 pm. Ok lang sayo?”

Tumango naman ako sa kanya.

“Sige, see you later. Salamat sa paghatid.”

Akma na kong bababa nang bigla nya kong pinigilan sa braso ko. Umakto naman akong nagulat sa ginawa nya.

Nag-iwas sya ng tingin sa akin bago nagsalita.

“Tungkol dun sa sinabi ni Drave kanina...

Hindi naman ako nagsalita at hinintay na tapusin nya yung sasabihin nya.

Makalipas ang mga ilang minutong katahimikan ay dahan dahan nyang binitiwan yung braso ko.

“Ah, wala.. kalimutan mo na. Kita na lang tayo mamaya.” Saka na sya tumingin sa labas ng bintana ng kotse nya.

Tahimik na rin naman akong lumabas ng sasakyan nya at kinawayan ko pa sya bago nya uli paandaring muli yung sasakyan nya.

“Ang aga mo namang bumigay.” Wika ko sabay ang pag-iling.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon