Article LXXII

1.9K 40 0
                                    

Naabutan ko na lang si Mikel sa parking lot ng ospital na pinagdalhan sa Mommy nya. Nakadukmo sya sa may tuhod nya habang nakasalampak sya sa may gutter sa gilid.

“Mikel....” mahina kong tawag sa kanya. Naaawa ako sa kanya dahil alam ko kung gaano kasakit mawalan ng magulang.

Iniangat nya yung tingin nya sa akin at kitang kita ko ang bloodshot sa mga mata nya. He looks.. he looks... different. Naninibago ako sa kanya. Hindi ako sanay makita syang nagkakaganito.

Lumuhod ako sa harapan nya at niyakap ko sya. Naramdaman ko naman ang tahimik nyang hinagpis sa balikat ko. Marahan kong hinahaplos ang likod nya sa pagsasakaling maibsan man lang ang nararamdaman nyang sakit ngayon.

“Be strong Mikel. Kaya mo to.” nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya.

Lalo namang humagulgol sa balikat ko si Mikel. Para namang nadudurog yung puso ko na makita syang nagkakaganito. Matagal ko syang naging kaibigan at siya lang din ang itinuring kong tunay kong kaibigan.

Tiningna ko naman si King na nakatitig lang sa amin habang yakap ko pa rin ng mahigpit si Mikel. Alam kong ayaw nyang nahahawakan ako ng iba pero wala syang magawa ngayon dahil sa nakikita nyang kalagayan ni Mikel.

“So.. how was your Dad?” mahinahon kong tanong sa kanya matapos nyang kumalma.

Umiling lang sya at tumulala.

“50/50 pa rin. Hindi ko alam kung paano akong mabubuhay kapag nawala pati si Dad Red.” puno ng takot na sabi nya sa akin.

Kinuha ko naman ang kamay nya at hinawakan iyon ng mahigpit.

“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” assurance ko sakanya.

Nakita ko naman na medyo kumalma sya pero kitang kita pa rin sa mga mata nya ang paghihinagpis.

Inumaga na kami sa parking lot at nakatulog na rin si Mikel sa may balikat ko. Kanina pa ko nangangawit pero hindi ito ang tamang panahon para magreklamo ako. Naaalala ko pa nung highschool kame. Ilang beses nya kong iniligtas mula sa mga taong walang magawa sa mga buhay nila. Maliit na bagay lang siguro itong manatili ako sa tabi nya hanggang sa maging maayos na sya.

“Mikel....” mahina kong tawag sa kanya. Kanina pa nagriring ang cellphone nya at sa tingin ko ay kailangan na talaga nyang bumalik sa loob ng ospital.

Ilang sandali lang naman ay nagising na sya at kusang tumayo na.

“Wag mo kong iiwan Red.” nagmamakaawa nyang sabi sa akin.

Nginitian ko naman sya ng nakakaintindi.

“Nandito lang ako.” sagot ko sakanya saka ko sya hinawakan sa kamay nya at iginiya na papunta sa loob ng ospital.

May mga pinirmahan syang mga dokumento na ang alam ko lang ay para mai-release na yung mga labi ng Mama nya. Yung Papa naman nya ay nananatili sa ICU ayon na rin sa doctor na nakausap namin.

Alam kong nanghihina na sya pero alam ko ring nagsisimula pa lang sya sa pagdadalamhati nya.

Muli kong tiningnan si King sa may likuran namin.

Nagdidilim na ang tingin nya sa magkahugpong pa rin naming mga kamay ni Mikel pero tiningnan ko sya ng nanghihingi ng pang-unawa.

 Napasabunot naman sya sa buhok nya dahil sa frustration at matapos ang mahabang oras na nasa tabi ako ni Mikel ay nagsalita na rin sya sa wakas.

“Uuwi lang ako. Ikukuha kita ng damit pampalit mo.” saka mabigat ang mga pang lumayo na sya sa amin ni Mikel.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon