Article LIV

2.1K 46 0
                                    

Halos matapos ko yung module na kinuha ko kanina sa galit ko kay King. Ayos lang, maaga akong matatapos. Isinara ko na rin yung makapal na libro at nag-inat inat. Tiningnan ko ang digital wall clock na nakalagay sa loob ng kwarto ko at nalaman kong ginabi na pala talaga ako sa pagsagot. Alas-nueve na ng gabi at hindi pa rin ako nagtatanghalian, kung anong kinain ko kanina sa condo ni King, yun pa rin yung laman ng tyan ko hanggang ngayon. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod at gutom. Lalabas na sana ko para kumain sa ibaba ng Edzreal ng biglang tumunog ang telepono na nasa sala ko.

“Hello?” sagot ko sa kabilang linya.

“Good evening po Ma’am. May room service po  na maghahatid sa inyo ng dinner nyo dyan. Pakihintay na lang po.” Sabi nung nasa kabilang linya.

Nag-order ba ko?

Tatanungin ko pa lang sana sya ng bigla na nyang ibinaba yung kabilang linya. Baka nanalo ako sa papromo ng Edzreal? Pero wala naman ako sinasalihan. Ah! Baka naman promo lang sa mga nakatira dito. Tutal tinatamad na rin naman akong bumaba, hinintay ko na lang yung sinabi nung receptionist. Hindi naman naglipat minuto ay may nag-door bell na nga sa labas.

Pagbukas ko ng pinto ay isang tray ang ipinasok nya sa loob na may takip pang malaking bilog na metal. Matapos magpasalamat ay dali dali kong binuksan yung takip para sa kakainin ko ngayong gabi ngunit laking gulat ko na lang ng isang kulay asul na telephone booth ang bumungad sa akin doon. Kumunot naman ang noo ko. Ano to?

Bubuksan ko na sana nang biglang may kumatok sa may pintuan ko.

Naguguluhan namang pinagbuksan ko yung nasa labas.

May isang nakaputing naghihintay sa akin doon.

“Kanina pa po sya naghihintay sa roof deck.” Sabi nung parang waiter na lalaki at iginiya na ako papuntang roof top. Magtatanong pa lang sana ko kung anong nangyayari pero wala na sya nung lumingon ako sa likuran ko.

Nagtuloy tuloy na rin naman ako sa pag-akyat at nagulat naman ako ng makitang puno ng Christmas lights ang roof top.

Naglakad naman ako ng dahan dahan sa kulay violet  na carpet na nakalatag sa may lapag nito.

Napaawang na lang naman ang labi ko nang makita ko si King na nasa dulo ng kulay violet na carpet na nilalakaran ko ngayon. Paki-explain nga ng nangyayari. Masyadong nawindang yung utak ko sa sinagutan kong module kanina.

Natauhan na lang ako ng hawakan ni King ang kamay at lumuhod sya sa harapan ko.

Tumingin sya sa hawak kong maliit na telephone booth at ngumiti.

“Open please?” sabi nya sa akin.

Naguguluhan namang binuksan ko iyon at parang nahilo na lang ako bigla ng makita ko ang isang diamond ring na nasa loob nito.

“A-Are you proposing?!”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon