Article IV

6.3K 102 2
                                    

“Malapit na. Nararamdaman ko na ang muli naming pagkikita.” Isang mapait na ngiti ang tumakas mula sa manipis nyang mga labi.

Isang buntong-hininga naman ang isinagot nito sa kanya.

“Alam kong hindi ka masaya. Pero ito na lang ang natitirang paraan para mabawi ang kaisa-isang kayamanan na iniwan sa atin ng...” hindi na nya tinapos pa ang kanyang pagsasalita. Ang ayaw nya sa lahat ay ang pag-aalaala sa kung anumang naganap na.

“Ayos naman ang bago kong eskwelahan. Tulad ng inaasahan nati’y wala ni isa mang nakakakilala sa akin. Matagal tagal din tayong nawala. Ni hindi nga siguro alam ng iba na nandito pa tayo at humihinga.” Isang walang siglang tawa ang pinakawalan nya matapos yon.

Naramdaman nya ang marahang paghaplos nito sa kanyang balikat na may kasamang pisil. Ayaw nyang umiyak. Matagal tagal na rin ng huling may dumamping mainit na likido sa kanyang mga pisngi. At alam nya sa sarili nyang hindi na mauulit ang pangyayari na iyon. Hindi na nya hahayaan ang sarili nyang malugmok na naman sa sitwasyong ni sa hinagap ay hindi nya inisip na mangyayari sa kanya. Sa kanila. Lalo na sa taong nakahawak sa mga balikat nya.

“Mag-iingat ka lang. Ayaw kong pati ikaw ay mawala rin sa akin. Tama na sila. Ikamamatay ko na kung pati ikaw ay mawawala.” Bakas sa boses nito ang pangamba.

“Hindi mangyayari yan. Pinapangako ko.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon