Last Special Chapter

1.2K 20 0
                                    

Note: Hi. This is the last special chapter of IDTFM, sorry for taking too long. Life happened. ;) Bear with the other details, I didn't proofread anything and it's been a while now. I think that I just needed to add one more part so that I can start something new. Enjoy reading! Share the story to your friends, it'll mean so much to me. Maraming maraming salamat po!

LAST SPECIAL ARTICLE

RED's POV

It feels surreal.

Ilang beses ko na yatang nasabi yan over the past months. After ko umuwi without any expectations that my relationship with King will still survive, what did I exactly do to deserve the man sleeping soundly beside me right now?

I smiled faintly. Napakadaming nangyari. It's been how many years? I can't even remember. From the simple 'mission', there I found the unexpected love I did not deserve.

I caressed my husband's peaceful face, kissed his forehead and went outside our balcony to breathe in some fresh air of December.

I immediately hugged myself because of the cold wind and I smile again! Ohmyghad Red! Will you stop smiling already? Baka mapunit na yang pisngi mo! Napailing na lang ako habang parang nahihibang na nakatingin sa mga ilaw sng siyudad na tila mga bituin sa dilim ng gabi.

Ilang minuto na kong nakatingin sa malayo nang may mainit na kamay ang bumalot sa tyan ko. Ngumiti ako. Pamilyar na pamilyar yung mga hawak niya. Kahit siguro nakapikit ako o kung anumang ginagawa ko, alam kong nag iisa lang yung init na inihahatid niya sakin sa pamamagitan ng mga simpleng haplos niya.

Ginagap ko ang mga kamay niya na humahaplos sa tyan ko at bumuntong hininga. Napakaswerte ko. Sobra.

"Hindi ka makatulog? Hmm?" malambing na tanong niya malapit sa tainga ko.

"Nagising lang ako kanina tapos naisipan ko na magpahangin sandali dito sa labas. Naabala ko ba yung pagtulog mo?" sagot ko sa kanya at nilingon ang gwapo niyang mukha.

Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon nang marahan. "Sorry kung nagising kita sa tulog mo." Marahan kong hingi ng paumanhin sa kanya.

Nakita ko naman ang pag angat ng sulok ng kanyang labi.

Bakit ba napakagwapo ng asawa ko? Namamanyak na yata ako. Jusko.

"Hindi na ko sanay na wala ka sa tabi ko kapag natutulog ako." Sabi niya sakin habang nakalapat ang kamay sa tyan ko.

"Nakita mo na?" nag aalangan na tanong ko sa kanya.

Dahan dahan siyang tumango sa akin dahilan upang maibuga ko ang hininga na pinipigilan ko kaninang umaga pa.

"Bakit hindi mo sinabi agad sakin? Hmmm?" malambing na tanong niya sakin.

Sa tingin ko ay namula ako sa tanong niya. "Hindi ko alam paano ko sasabihin sayo." Nahihiya kong tugon sa kanya.

Hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako nang buong suyo.

Awtomatikong pumulupot sa kanyang batok ang aking mga kamay, ayaw siyang pakawalan.

Natawa siya sa reaksyon ko.

"Red.. wag mong sabihin na nahihiya ka pang sabihin sakin?" natatawa niyang tanong sa akin.

Napairap naman ako. "Hindi naman sag anon. Hindi ko lang alam kung PAANO."

Mas natawa naman siya sa pag-irap ko. Aba't wala na talagang takot 'tong lalaki na to ah!

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at nagmartsa na pabalik sa kwarto namin.

"Uyy, nagtampo na ang buntis." Saka siya tumawa nang malakas.

Ang bilis ko talagang inihahagis sa kanya yung unan na malapit sakin.

"Whoaa! Whoaa! Parang alam ko na bakit ayaw mo sabihin sakin hmmm." Patuloy na tukso pa rin niya sakin.

Inirapan ko naman siya. Eto yung pinapangambahan ko talaga eh. Kaya hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya dahil alam kong puro panunukso ang matatanggap ko sa damuho na to.

Ang tagal na kasi niyang nagsasabi sakin na kesyo buntis na ko at kailangan na namin magpatingin pero hindi ko naman siya pinapakinggan dahil sa wala pa naman akong nararamdamang kakaiba. Pero heto na nga, nung macheck ko kahapon na delayed na pala ko ng isang linggo ay bumili na agad ako ng pregnancy test at ginamit ko nga kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina. Syempre nagulat ako nung makita ko na positive dahil wala pa naman talaga sa plano namin ang magkabuo ngayong taon. Sa pagkawindang ko, itinago ko yung pregnancy test sa may cabinet ng CR namin. Malay ko naman na makikita niya don diba?

"Halika nga dito. Ikaw pa rin naman baby ko hangga't hindi pa lumalabas yang nasa tiyan mo love." Malambing na sambit niya habang hinihila ako papunta sa kama.

"Saka kailangan na natin samantalahin tong mga panahon na to habang hindi pa masyadong malaki tyan mo diba? Alam mo na, mahihirapan na tayo pumwesto kapag malaki na yan." Panunukso pa niya sabay tulis ng nguso sa akin.

Sinapak ko nga yung nguso! "Ang bastos mo ah!" hiyaw ko sa kanya.

"Aray ko naman!" iyak niya.

"Ako nga iniisip ko pano ko haharapin tong pagbubuntis na to eh magtetake pa lang ako ng bar exam tapos ikaw naman puro kalaswaan yang nasa isip mo!" litanya ko sa kanya. Ewan ko ba. Madalas ganito eh, one moment sobrang thankful ako dahil nandyan siya para sa kin pero minsan talaga, nakakapuno na rin. Haaayy.

"Oh sorry na. Sorry na kase. Tapos ka naman na sa 1st trimester mo kapag nagtake ka ng bar exam ah? Kaya kayang kaya mo na yon! Saka love naman, haharapin NATIN parehas yang pagbubuntis natin. Tandaan mong tayong dalawa ang gumaw niyan. Wag kang credit grabber dyan." Biro pa niya sa akin.

Unti unti naman akong napailing at natawa sa sinabi niya. May point naman din siya don talaga. Hahahahahaha.

"So pano? Simulan na natin bago pa tuluyang lumaki yang tyan mo?" tukso sakin ng manyak kong asawa.

Sino ba naman ako para tumanggi?

September 19, 20XX

"Push! Konti na lang Mrs. Chavez!" pagpapalakas loob sakin ng doktora ko.

Mas humigpit pa ang kapit ko kay King, pakiramdam ko nga na madudurog na yung buto niya sa kamay sa sobrang higpit ng kapit ko sa kanya.

"Kaya mo yan Red. Konti pa please." Pagmamakaawa niya sakin.

Humugot naman ako ng isang malalim na hininga at nagsimula ulit umiri.

Tiningnan ko yung mukha ni King. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o ngingiwi sa nararamdaman kong sakit dahil saming dalawa, mas pawis na pawis pa yata siya kesa sakin.

"Almost there Mrs. Chavez, push harder!"

"Arghhh!" pilit kong iri.

May lumapit kay King na isang nurse t binulungan siya. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya nang humarap siya sa akin.

Naramdaman ko na may contraction na naman kaya sinabayan ko ng isang malakas na iri.

And right there, I heard the most beautiful sound a mother can hear.

My baby's voice.

Iniabot ng doctor kay King yung anak namin at si King naman ang naglagay nito sa dibdib ko.

"Heyy, little one." Naiiyak kong bati sa anak namin ni King.

"Congratulations! You made it Attorney Red Chavez!" nakangiting bati sa akin ni King.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. I can't process it in my head.

"You did not just pass. You top the bar wifey! I'm so proud of you."

Oh God! Thank you for everything!

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon