Article LXXXVI

1.9K 34 1
                                    

“Red Del Valle. Finally.” Isang malalim na boses ang nagpagising sa akin mula sa isang napakalalim na pagkakatulog.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad agad sa akin ang hindi hihigit sa dalawampung kalalakihan na nakapalibot sa akin at ang lalaking nagmamay-ari ng nakakatakot na boses. Hinanap ng mga mata ko si Mikel at natagpuan ko sya sa di kalayuan na may kausap sa cellphone nya.

Hanggang sa dahan dahan syang lumapit sa amin. Tiningnan ko ng malamig si Mikel, nag-iwas naman sya ng paningin sa akin.

“King Chavez is already on the line Dad.” Sabay nyang iniabot yung cellphone nya sa tinawag nyang Dad.

“King Chavez. Supremo! Akalain mo yon. Parang kelan lang.” saka pa sya tumawa ng napakalakas.

Napangisi ako. Hanep! Parang sa action movies ko lang napapanuod to a.

“Si Red? Nandito. Gusto mong kausapin?” nanunuyang tanong nito.

Lumapit naman sa akin yung Daddy ni Mikel at itinapat sa tenga ko yung cellphone.

“R-Red?!! Are you ok?! Anong ginawa nila sayo? Sinaktan ka ba nila?! Fuck. Subukan lang nila!!!”

Biglang nanlambot ang matigas kong sarili kanina. Nanginig ang buong katawan ko at parang gusto ko na lang gawin ay umiyak at humingi ng saklolo sa kanya.

“I-I’m ok..” sabi ko habang nanginginig. Ayokong mag-alala sya. That is just so wrong.

“No...No... You’re not.. you’re trembling Bave... Wait for me there ok?” wika nya habang naririning ko ang mabibilis  na kilos sa kabilang linya.

“No.. King... listen... mapapahamak ka lang dito. They are all monsters.. Sasaktan ka lang nila kapag nagpunta ka dito. I’m ok. I can make it through.” Mas kinukumbinsi ko yung sarili ko. Kaya ko nga ba? Sobrang mahal ko si King na ayaw ko syang masaktan.

“Wag matigas ang ulo ngayon Red. I’m coming. Let me talk to that goddamn monster..”

Tiningnan ko naman ng masama yung tatay ni Mikel. Nakuha naman nya agad at ngumisi sya habang inilalagay sa tenga nya yung cellphone.

“Oh ano? 15 minutes? Kaya?!” nanghahamong wika nito.

“Ikaw lang mag-isa King.. subukan mong magsama, patay ‘tong pinakamamahal mo.” Saka pa sya humalakhak na parang demonyo.

“Ang dali mo naman pala kausap. Sige. Hihintayin ka namin. 30 minutes. Pag wala ka pa. makikita mo na lang ang katawan ng babaeng to na palutang lutang sa Ilog Pasig.” Nakita ko naman kung paano nya inilayo yung cellphone sa tenga nya. Mas ginagalit nya sa King. Napapikit ako ng mariin. Mangyayari na naman ba yung nangyari na 17 years ago? And this time ako na lang? Ayoko. Hindi kakayanin ni Kuya. Mag-isa na lang sya pag nagkataon. Si Kuya.. ang tagal ko na syang hindi napupuntahan. Baka hindi ko na sya makita ulit. Bigla na lang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Ayokong maging mahina ngayon.

Tiningnan ko si Mikel at nag-iwas naman sya ng tingin sa akin.

“Wala ba talagang halaga sa’yo yung pinagsamahan natin? Akala ko pa naman totoo ka. Isa ka lang palang bangungot.” Nanunuya kong turan sa kanya.

Hindi naman sya nagsalita at nanatiling nakapinid ng madiin ang kanyang mga labi.

“Mikel.. sumagot ka.. kakayanin moong makita na mamamatay ako? Ng dahil kanino? Dahil sayo Mikel! Hindi kita itinuring na iba. Pero anong napala ko? Ang imposible talaga ng buhay!!” I tried my best to caught him. Kailangan nyang makonsensya at pakawalan ako dito bago pa man makarating si King.

“Oh. Shut up!” biglang may nagsalita sa likuran ni Mikel.

Napakunot ang noo ko. I know her.

“Ruth..” mahina kong usal. Sya nga yung babae sa CCTV!!

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon