Epilogue

3K 36 4
                                    

"Congratulations!" nakangiting bati sa akin ni Kuya pagkatapos ng speech ko sa graduation namin. I graduated summa cum laude and I am very proud and happy about it. Sino bang hindi?


Lumilinga linga pa ako sa paligid habang may hinahanap.


"He's not yet here eh. Hindi ko pa sya hindi nakikita." Wika naman ni Ate Chi habang nakakaintinding nakatingin sa akin.


Nginitian ko naman sya ng malungkot. Bakit ngayon pa sya wala? Nagtatampo pa rin kaya siya sa akin?


"Dadating yun.Hintayin lang natin ng kaunti." Pagpapalakas naman ng loob sakin ni Kuya.


Tinanguan ko na lang siya kahit alamkong malabo na yung sinasabi nya.


Bagsak ang balikat na nakaupo lang ako sa isang silya na nandoon. Umalis kasi si Kuya at Ate Chi, may ichecheck daw sandali sa office.


I feel alone.


"Uso emo ngayon?!" wika ng isang tinig sa likuran ko.


Nilingon ko naman kung sino yung nagsalita sa likod ko at nakita ko sina Draven, Mirai, at Rafa na nandoon.


"Congratulations!" nakangiting wika sa akin ni Draven habang iniaabot ang isang bouquet ng tulips sa akin.


Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat.


"Finally! Can I start to call you Attorney Red Del Valle-Chavez now?" tuwang tuwang bati sa akin ni Rafa.


Napailing naman ako sa sinabi niya. I hugged her tightly. Sya lang ata yung nag-iisa kong kaibigang babae and God knows how I treasure an angel like her.


"Sinabi na nilang lahat. Walang natira sa akin." Nangangamot sa ulo na wika ni Mirai sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.


Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap ng dahan dahan.


"You don't need to say anything, your presence is more than enough." sinsero kong wika sa kanya. I owe him my life. Alam kong hindi ko na masusuklian pa lahat ng pabor na naibigay niya sa akin. At alam korin namang hindi siya naghihintay ng kapalit. But still I can't stop myself from adoring him so much to the point na pinagseselosan na siya ni King.


And speaking of the devil, nakita kosya sa likuran ni Mirai na madilim ang titig sa aming dalawa. Kumalas naman ako kay Mirai at hinarap si King.


“I thought hindi ka na pupunta.” Mahina kong bati sa kanya.


“Let’s go.” Seryoso naman niyang utos sa akin.


Napalingon naman ako kila Rafa na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ofcourse they know na tinotopak si King kaya naman tinanguan lang nila ako at sinenyasan na sumunod na sa nagmumuryot na si King.


Wala kaming imikan habang naglalakad papunta sa kotse niya. Good thing hindi ako nagdala ng kotse kung hindi isa pa yon na pagtataluhan naming dalawa.


Tahimik naman nya kong pinagbuksan ng pinto saka na ko sumakay.


Patingin tingin ako sa walang emosyong mukha ni King habang nagdadrive sya. I honestly don’t know what to say right now.


Bakit nga ba kasi nagkakaganito si King?


Ang natatandaan ko ay yung nagpaalam ako sakanya na kailangan kong magtrabaho sa isang law firm sa London. Inoffer lang din sa akin ng isa kong professor yung trabaho dun at naisip kong magandang opportunity nga iyon habang naghihintay ng bar exam ko. May maganda ring review center na naghihintay na sa akin don kaya wala na kong problema. Pero meron pala,ang mahal kong asawa.


Simula nung nagpaalam ako sa kanya lagi na lang mainit yung ulo nya sa akin hanggang ngayon nga. Ni hindi na nga rin siya umattend ng graduation ko. Napanguso na lang ako sa nararamdamang pagtatampo sa kanya.


Napansin ko naman ang paglingon niya sa gawi ko kaya naman lumingon na lang ako sa labas ng kotse niya.


Kung badtrip siya sa akin. Badtrip na rin ako sa kanya. Hindi lang naman sya ang may karapatan na magtampo.


Hindi na ko nagtanong kung saan kami papunta dahil alam kong hindi rin naman nya ako kakausapin.


Napansin ko na lang na nagpapark siya sa paborito naming restaurant. Ditto kami lagi kumakain pag weekends. O kaya naman pag naisipan lang naming lumabas na dalawa. Yun yung mga panahon na bagong kasal at di pa siya tinotopak sa akin. Pero simula nung isang buwan, wala na. Sinubukan ko naman siyang kausapin. Sasabihin ko sanang hindi ko na lang tatanggapin yung offer kung ayaw niya akong payagan pero tuwing sinusubukan kong makipag-usap sakanya lagi na lang siyang umiiwas.


Hindi ko na nga aalam kung anong nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung tama ba yung tinatahak naming daang dalawa.


Mas lumungkot ako ngayon dahil hindi lang naman gradution ko ang sinecelebrate naming ngayon. It’s our 3rd year wedding anniversary today. Sukat sa isiping iyon ay bigla na lang tumulo ang isang butyl ng luha mula sa mga mata ko. Mabilis ko naman iyong pinunasan at mas ipinaling ang ulo ko sa labas.


Huminto na kami sa harap ng restaurant na yun pero hindi pa rin kami kumikilos na dalawa.


Unang lumabas si King at pinagbukasan ako ng pintuan. Wala pa rin kaming kibuan na pumasok sa restaurant at nalaman kong nagpareserve na pala siya. Nginitian kami parehas ng waiter doon dahil kilala na niya kami. I smiled back at him pero dire diretso lang naman si King sa table namin. Suplado.


Matapos mag-order ay isang nakakbinging katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa. Parang hindi kami magkakilala kung umasta siya.


After 10 minutes ay inilapag na sa harapan namin ang order niya at nagsimula na akong kumain.




“Oh my! Mr. Chavez?!” aning isang matinis na tinig sa may tabing table namin.


Nilingon namin siya parehas ni King at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni King pagkakita sa babaeng higad na nandoon.


“Oh Hi. Alexlia! What are you doing here?” magiliw na bati sa kanya si King.


Ikinunot naman nung higad yung ilong nya at ngumuso kay King. Ang kati niya! Makakatikim na sakin tong babae na to hanggang mamaya.


“Lunch lang. I’m alone nga e. Ginugutom na kasi ako so I decided to stop by here and eat something delicious.” Nakangising wika niya.


Lumingon naman siya sa akin bago nagsalitang muli. “Mind if I join you?” makapal ang mukhang tanong niya.


Tinanguan naman siya ni King at nagpahila pa ito ng upuan at inilagay sa tabi niya. Great. Ako pa ang lumabas na third wheel bandang huli.


Sila lang ang nag-uusap kanina pa. Alam mo yung para lang akong hangin na nasa harapan nila? Yung hindi ako nag-eexist? Ni hindi nga nag-abala pa si King na ipakilala ako sa hitad na higad na to.


Para namang may kung anong bumikig sa lalamunan ko. Hindi ko na kaya.


Marahas akong tumayo dahilan para mapatingin silang parehas sa akin.


“Excuse me.”iyon lang ang sinabi ko at lumabas na ng restaurant na yun.


Pumara ako agad ng taxi at sumakay doon. Ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko habang daan. I have decided, hindi kami magkakaayos ni King. Ayaw niya. Wala na kong magagawa.


As soon as I reached our home, dumiretso agad ako sa kwarto namin at nagpack ng damit. Aalis muna ko. Hindiko na kaya yung pakikitungo sa akin ni King. I suffered enough, ayoko na muna. Lalayo muna ko. Maybe tatanggapin ko na yung offer sa Londonm. Bahala na. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay magpakalayo layo.




Pagkatapos mag-impake ng sapat na damit ay kinuha ko agad yung susi ng Mazda ko at nagsimulang magdrive papunta sa lugar kung saan hindi ako masusundan ni King.


To be continued....

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon