Article LXXXIII

1.9K 39 1
                                    

Nagising na lang ako sa maingay na pagriring ng cellphone ko na nasa tabi ko kinabukasan.

“Hello?!” bagong gising na tanong ko sa kung sino mang tumatawag ng ganito kaaga.

“Hindi ka pumasok?!” bungad na tanong naman sa akin ng nasa kabilang linya.

Inihiwalay ko naman sa tenga ko yung cellphone ko para tingnan kung sino yung kausap ko. Muntik pa kong mapamura ng makita kong si Mikel pala yung kausap ko.

“Ahh.. Hindi na.. Masama yung pakiramdam ko e.” pagsisinungaling ko.

“Kaya ba ngayon ka lang nagising?” nag-aalala nya agad na tanong sa akin.

“Aahh.. Uhrmmn.. O-Oo.” Nauutal kong sagot sa kanya. Bigla na lang kasing may yumakap na braso mula sa likuran ko saka pa nagsumiksik sa may leeg ko.

“Pupuntahan kita dyan.”

“Ay! Wag na! N-Nandito naman si... si... si Ate Chi! Ah, oo tama. Dumating kagabi si Ate Chi dito kaya may kasama naman ako.” Napakagat labi na lang ako dahil sa mga kasinungalingan ko.

“Are you sure?” nagdududa pa nitong tanong sa akin.

“Gusto mo syang kausapin?” tanong ko naman sa kanya.

“Wag na. Naniniwala naman ako sayo.”

Napahinga naman ako ng maluwag ng sinabi nya iyon.

“Bakit ka nga pala napatawag ng ganito kaaga?” iwas tanong ko sakanya.

“May sasabihin sana ako sayo.” Tugon nya sa akin.

“Ano yon?” curious na tanong ko.

“Pag pumasok ka na lang. Papasok ka na ba bukas?” tanong nya sa akin.

“Oo.. It must’ve been important.” Sagot ko sa kanya. Ano kayang sasabihin nito sa akin? Muntik naman na kong mapasigaw ng biglang halikan ni King yung batok ko.

“Ang tagal naman nyan.” Bulong nya sa akin.

“Ssshhh..” tugon ko naman sa kanya habang itinapat ko pa sa labi ko yung hintuturo ko.

“Red?” tawag sa akin ni Mikel sa kabilang linya.

“Y-Yes? Ano nga yon?” tanong ko naman sa kanya.

“Si Ate Chi mo ba talaga yung kasama mo dyan?” nagdududang tanong nya sa akin.

Pinagpawisan naman ako biga ng malamig.

“O-Oo naman! Bakit mo naman naitanong? Lolokohin ba naman kita?” saka ko iyon sinundan ng fake na tawa. Shit. I really suck in lying.

“Para kasing may narinig akong bumubulong sa tabi mo.” Nagdududa pa rin nyang sabi sa akin.

“Ano ka ba naman! Nag-iimagine ka na naman dyan. Hehe.” Di na ko mapakali dahil mas nagiging makulit pa si King sa tabi ko.

“S-Sige na Mikel.. Magpapahinga pa ko.” Paalam ko sakanya.

“Ok. See you tomorrow. Pagaling ka.” Then he hanged up.

Napahinga naman ako ng malalim ng matapos na yung tawag na yon. Binalingan ko naman ang nakangising si King.

“Ang kulit mo!” namumula kong sita sa kanya.

Ngumuso naman sya sa akin bago nya ko sagutin.

“E paano naman. Mas nauna mo pang kausapin yang lalake mo bago yung good morning kiss ko!” nagrereklamo nyang sabi sa akin.

Imbes na magalit ay napangisi naman ako sa inaakto nya.

“Hindi ko alam na seloso ka pala.” Nang-iinis na wika ko.

“Ay ngayon mo lang nalaman?” asar na tanong nya sakin.

Hindi ko na naman napigilan na tumawa sa kanya.

“Ang saya mo!” sabi nya sabay irap sa akin.

“Talaga!!” sagot ko naman.

Tumingin naman sya sa gilid ko na parang galit.

“Ang arte mo!” nakangisi kong sabi sa kanya.

Mabilis kong tinalunton ang maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa at ginawaran ko sya ng isang mabilis na halik sa labi nya.

“I love you Bave. Galit ka pa?”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon