Article XL

2.2K 40 0
                                    

ISANG madilim na silid ang bumungad kay King nang pumasok sya sa isang townhouse sa Tagaytay. Nandito raw ang kanyang ama at kasalukuyang nasa gitna ng isang pagpupulong. Naisip nyang ito na nga ang pinakatamang panahon para manghingi ng tulong sa organisasyong kinabibilangan ng kanyang ama. Oo, matagal na nyang alam na may hawak itong isang napakalaki at napakaeksklusibong fraternity. Ilang beses na ring inalok sa kanya ng kanyang ama ang posisyon nito pero hindi nya kayang tanggapin ito lalo na at hindi pa rin nawawala sa kanyang alaala ang nangyari labinlimang taon na ang ang nakararaan. Nawala ang bestfriend nya kasama ang buong pamilya nito dahil sa isang engkwentro ng fraternity na itinayo ng kanyang ama kasama ang mga matalik nitong mga kaibigan. Napailing na lamang sya. Sumasakit na naman ang ulo nya. Mayroon pa rin syang mga bagay na hindi matandaan nung gabi na yon. Mga bagay tulad ng mukha ng bestfriend nya. Basta ang alam nya ay isa itong napakahalagang tao sa buhay nya. Ni hindi nya nga matandaan kung babae ito o lalaki.

Tumigil sya sa harap ng isang pinto. Dito sya dinala ng gwardiya na nagbabantay sa ibaba. Kumatok sya ng tatlong beses bago dahan dahang pinihit ang seradura ng pintuan.

Isang malamig at madilim na kwarto ang bumungad sa kanya. Mayroong isang pahabang lamesa sa gitna ng kwarto habang may isa namang malamlam na ilaw sa gitna nito. Tiningnan nya ang mga taong nakapalibot sa lamesa. Nagulat na lamang sya ng makita nya ang magkapatid na Sekiguchi doon. Si Draven na seryosong natitig sa kanya at si Mirai na nakalagay ang isang kamay sa labi  nito habang nakangising nakatingin sa kanya. May hinala na sya noon pero pinagwalang bahala lamang nya ito, wala rin naman kasing halaga sa kanya ang organisasyon na ito. Pero hindi na ngayon. Kailangan nya ng tulong mula sa grupong ayaw nyang kilalanin dati pa.

“Umupo ka.” Utos ng kanyang ama habang inilalahad sa kanya ang upuan sa dulo ng mahabang mesa na iyon.

Dahan dahang umupo si King at pinagsalikop ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa. Huminga sya ng malalim bago sabihin ang kanyang mahalagang pakay.

“Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa.” tiningnan pa nyang minsan ang mga nakakatakot na taong nakapaligid at nagmamasid sa bawat kilos nya.

“Kailangan ko ng tulong nyo.” Seryosong wika ni King.

Nakita nyang tumawa ng mahina si Mirai habang umiiling.

“May nagtangka sa buhay kanina ni Red. At ang kalaban nyong fraternity ang may gawa nito. Dad? Matutulungan nyo naman akong hanapin sila diba?” nakikiusap na tanong ni King sa kanyang ama.

Huminga naman ng malalim ang kanyang ama bago magsalita.

“Walang duda na kaya naming hanapin at parusahan ang kung sino mang gumawa sa nobya mo nito. Pero King, may batas ang organisasyon.” Seryosong tugon nito.

Kumunot naman ang noo  ni King sa kanyang narinig. Parang kinakabahan sya sa kung anumang magiging kapalit ng tulong na kanyang hinihiling.

“Kaya ka naming tulungan KUNG! ... kasapi ka ng organisasyon. Pero kung hindi?” umiling pa si Mirai habang nakangisi.

“Wala kaming magagawa King.” Matiim ang bagang na dugtong ni Draven.

“Kahit anak ka pa ng Supremo.” Wika ni Mirai at antipatikong inilagay ang kanyang mga kamay sa batok nya.

Napapikit sya ng mariin. Ito na ba ang araw na kanyang pinakaiiwasan? Para namang isang automatic replay button ang nag-play sa utak nya ng itsura ni Red kanina. Halos hindi na nito maimulat ang mga mata mula sa pamamaga nito. Hindi nya kayang tiisin lang ang nangyari sa pinakamamahal nya. Kahit sarili nyang buhay ibibigay nya.

“Ano? Sasali ka na ba?” nakangising tanong ni Mirai.

“May kailangan ba akong pirmahan?”

Napatingin naman sa kanya si Draven  na nanlalaki ang mga mata samantalang hindi na napigilan ni Mirai ang pagtawa ng malakas.

The King has surrendered. Now he will reign with his unexpected powers that can turn anybody down to their knees. But only his Queen can make him fall. Hard. And that day is coming. The fall of the King is near. What will happen next is something you didn’t expect to happen..

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon