Article LXXXII

1.9K 42 0
                                    

Ilang minuto na kaming nakahinto sa harapan ng Edzreal. Hindi ko alam kung bababa na ba ko? Aayain ko ba sya sa unit ko? O magkukunwari na lang akong hindi ko sya kilala.. hayst.. Ito talaga ang epitomy ng awkwardness.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. At sinasabi ko  na na may disadvantage talaga ang malaking screen ng cellphone, dahil kahit sampung metro na ang layo nung katabi mo, mababasa pa rin nya kung sino yung tumatawag sayo.

Tiningnan ko ng nangingimi si King. Nakita ko naman na blangko na lang ang kanyang ekspresyon kaya naman dahan dahan ko ng sinagot yung tawag ni Mikel.

“Where are you?! Kanina pa kita kinokontak! Nag-aalala na ko sayo! Red?!” sunod sunod na wika nya.

“Uhhh.. Uhrmm.. may kinausap lang ako sandali.. Sorry kung pinag-alala kita.” Napakagat ako ng labi ko nung nakita kong kumuyom yung kamao ni King sa manibela ng kotse nya.

Narinig ko naman ang pagbuntonh hininga ni Mikel sa kabilang linya.

“Nasaan ka na nyan?” mas malumanay na tanong nya sa akin.

“Nandito na ko sa harap ng Edzreal.” Sagot ko.

“Pupuntahan kita.”

“Wag na.” kontra ko agad. “Pagod ako ngayon e. Bukas na lang tayo magkita.” Wika ko habang nakatingin pa rin kay King.

“Osige. Magpahinga ka na.”

“Oo. Bye.” Saka ko na pinatay yung tawag.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ako naglakas loob magsalita.

“Salamat sa paghatid. Bababa na ko.” Akma na kong bababa ng hawaka ni King yung pulso ko at hatakin palapit sa kanya hanggang sa magtama na ang ilong naming dalawa.

“Alam mo bang kanina pa kita gustong halikan? Ilang buwan na ang nakalipas simula nung huli tayong nagkita? Lima? Anim? Tapos pagbalik ko itataboy mo lang ako? Kung akala mo na susuko ako agad. Nagkakamali ka Red. Hahabulin kita hanggang sa makulitan ka sa akin. Wala na akong pakialam kung ano mang mayroon kayo nung Mikel na yon! Akin dati Red. Akin ka pa rin ngayon. At akin ka pa rin bukas hanggang sa malagutan na tayo ng hininga.”

Napatitig na lang ako sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko na ang malambot nyang labi sa mga labi ko.

Ito lang naman yung hinihintay ko. Hindi na ko nagpakipot pa. ipinalupot ko ng kusa yung dalawa kong braso sa batok nya para palalimin pa ang paghuhugpong ng labi naming dalawa. Tama naman sya. Sa kanya ko kahapon, ngayon, at bukas.

“Mahal na mahal kita Red.” Mahinang asal ni King habang humhingal na nakasandal ang noo nya sa noo ko.

Ipinako ko naman ang mga mata ko sakanya.

God. Bakit ba mahal na mahal ko tong lalaki na to?

“At mahal na mahal din kita King..”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon