Article VI

4.6K 80 0
                                    

RED’S POV

Parang hindi ko yata kaya. Hindi ko naman unang beses nakapunta sa lugar na ganon.. pero matagal tagal na rin. Napangisi ako. Nakaupo ako ngayon sa gutter sa labas ng bar kung saan nasa loob ang kaisa isang susi para makuha ko ang matagal ko ng hinahanap.

“Suko ka na?” nilingon ko ang nagsalita sa may tabi ko. Isang nakangiting mukha ni Mirai ang nakita ko.

Imbes na kausapin sya ay  ipinaling kong muli ang paningin ko sa entrada ng bar na iyon.

“Ang sungit talaga.” Naulinigan kong bulong nya.

“Kakabigay lang ng pagsubok sa’yo ng Supremo pero parang ayaw mo na agad gawin. Tinitingnan kaya kita. Ang sama ng tingin mo kay King. Akala ko pa naman matitipuhan mo sya, lahat kaya ng babae dyan nagkakandarapa sa kanya. Pero ayos nga yung di mo sya nagugustuhan atleast may pag-asa pa ko.” Pabiro nitong sabi.

Marahas akong tumayo nang makita kong papalabas na ng bar na iyon si King. Anong sumusuko? Sinong nagsabi? Hah! Nagpapatawa ata sya.

Mabilis kong tinalunton ang daan patungo sa sasakyan ni King. Hindi ko sya pwedeng pakawalan.

“RED!” tawag sakin nung lalaking madaldal. Pero wala akong oras para sa kanya.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ