Article XCIII

1.7K 32 2
                                    

“Mirai... Mirai...” nanginginig na tawag ko sakanya.

Nang balingan ko sila Rafa ay nakita kong nakahandusay na si Ruth sa sahig, ganun din naman ang tatay ni Mikel na parang hindi na rin humihinga.

Binalingan kami ni Rafa habang nanlalaki ang mga mata nya.

Patakbo na sya sa kinalalagyan namin ng bigla na lang syang tumumba. Shit! Bakit ang daming buhay ng Ruth na to?! Tinamaan niya si Rafa sa may dibdib nito! Damn. Nakita ko naman si Draven kung paano nya tadtarin ng bala ang katawan ni Ruth hanggang sa hindi na ito gumagalaw.

Tiningnan ko ang paligid at nanlumo ako sa nakita ko. Nakahandusay na sa lapag lahat ng kasamahan nila Ruth. May tama si Rafa at Mirai. Si Draven naman ay nanlalaki ang mga mata habang palapit sa amin ng kapatid nya. Si King... pagkita ko kay King ay hindi na sya gumagalaw.. Hindi.... muli na namang umagos ang masagang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Red..” tawag sa akin ng isang boses sa may gilid ko.

Nakita ko si Kuya na puno ng takot ang mga mata. Nginitian ko pa sya bago ako lamunin ng pagod at kadiliman.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon