Article XXV

2.2K 48 0
                                    

Nagising ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko saka ko nakita ang nakangiting mukha ni King. Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga sa may duyan at pinagmasdan ang kapaligiran. Tulog na silang lahat. Si Draven at Mirai ay magkayakap na nakahiga sa carpet, samantalang yung tatlo pa nilang lalaking kasama ay nakahiga sa may sofa. At yung limang girls naman ay magkakatabi sa malaking kasama sa may bandang likod. Gaano na kaya ako katagal tinititigan ni King? Nais mamula ng mga pisngi ko sa ideya na yon. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya.

“Anong oras na?” tanong ko kay King. Namumungay na rin ang mga mata nya at halata na ang pagod sa kanyang gwapong mukha.

“3 a.m.” sagot naman nya sa akin. Hindi maalis alis sa mukha ko ang mga mata nya dahilan para mailang ako.

“Kanina mo pa ko ginigising?” tanong ko uli.

Umiling naman sya at ngumiti. “Pero mga dalawang oras na kitang tinititigan.”

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya at umawang ang labi ko. Ang panget ko siguro.

Tumawa naman sya sa reaksyon ko. “Wag mong sabihing nahihiya ka? Wala ka namang dapat ikahiya sa akin. Kase alam mo namang maganda ka pa rin kahit anong gawin mo.”

Napangisi ako sa sinabi nya. Mukhang tinamaan sa ininom nila to ah.

“Lasing ka ata e!” kantyaw ko sa kanya.

“Medyo.” Nakangisi nyang sagot sa akin.

“Pahinga ka na.” saka ako tumayo sa duyan para bigyan sya ng lugar.

Hinawakan naman nya ang kamay ko at hinila ako pahiga sa may duyan. Pasalamat na lang talaga ako at malaki ang duyan pati  mukhang mahimbing ang tulog nilang lahat dahil nakakahiya ang naging posisyon ko kay King. Sya kasi ang nakahiga at nakalapat ang katawan sa may duyan at ako naman yung nakapatong sa kanya. Shit. What a term! Pero ganun talaga e. Umisod isod ako ng dahan dahan para matanggal ako sa pagkakadagan ko sa kanya pero niyakap naman nya ko ng mahigpit kaya hindi ako makagalaw!

“King, nakakahiya.” Bulong ko sakanya.

“Bakit ka naman mahihiya? Ang gaan gaan mo pala. Kumakain ka pa ba?” tanong naman nya sa akin at dinugtungan iyon ng mahinang tawa.

“Baaaaave.. aayos ako ng higa..” pinalambing ko naman yung boses ko baka sakaling pakawalan nya na ko.

“Inaantok na ko.” Sabi nya saka na sya pumikit.

“King..” tawag ko naman sa kanya. Shit. Don’t tell me matutulog talaga kami ng ganito. FOR REAL?!

“Bave.. sa baba na lang ako matutulog.. nakakahiya sayo, ang bigat bigat ko hindi ka makak—

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla nyang idampi ang labi nya sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang malambot nyang labi sa labi ko. Ang first kiss ko! O_O

Tinanggal din naman nya agad yon at ngumisi habang nakapikit pa rin.

Hindi na ko nakapagsalita hanggang maramdaman ko na lang ang banayad nyang paghinga tanda ng mahimbing na pagtulog.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon