Article LXXXIX

1.8K 32 1
                                    

RED’S POV

 

Ang sakit na ng buong katawan ko dahil sa hindi mabilang na pagpalo nila sa likuran ko. Sumali ako ng AOP pero hindi ko dinanas to. How ironic. Sa kabiang fraternity ko pala eenjoyin yung sakit.

“Take this bitch!” napapikit na lang ako ng maramdaman ko nanaman sa maga ko ng mga binti ang paghalik ng isang labindalawang pulgadang pamalo ni Ruth.

Napaluhod na ko sa harapan nila sa sobrang panghihina. Hindi ko na kaya. I think I’m already at the edge of my life.

Bigla namang may dumulog sa akin at pinipilit akong itayo. Paglingon ko ay ang isang nanlulumong si Mikel ang nakita ko.

Napangisi ako. Wala na rin naman akong magagawa diba?

“Oh, Red.” naghihinagpis na usal nito.

“Masaya ka na?” mahina kong tanong sa kanya.

Umiling sya habang kita sa mga mata nya ang pagsisisi.

“Patawarin mo ko.” Nanghihina nyang wika sa akin.

“Nice.” Saka ako ngumisi. Ang galing nya! Ang galing galing!

Napapikit naman ako sa sakit ng pwersahan akong pinatayo ni Ruth habang hila hila yung buhok ko.

“Akala ko matapang ka? Lumlambot ka n ata?” nanunuyang wika nito.

“Ikaw kaya hampasin ko ng hawak mo? Makagulapay ka pa?” matals na sagot ko sakanya.

Nginisihan naman nya ko. Saka ako sinampal ng napakalakas. Pakiramdam ko nabingi ako sa lakas nun. At unti unti akong may naramdamang lasang bakal sa may gilid ng labi ko.

Dumura ako para matanggal ang dugo sa may bibig ko.

“Tapusin nyo na yan.” Walang emosyong wika ng tatay ni Mikel.

Napapikit ako ng mariin.

King...

And as if on cue, bigla na lang lumitaw sa harapan ko si King.

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong maging masaya pero alam kong hindi ko kakayanin ang mga susunod na eksena.

“Well, well, well. The KING is here!” out of nowhere ay bigla na lang lumabas sa kung saan ang tatay ni Mikel. Kinagat ko ang labi ko sa nararamdaman kong pagtaas ng kaba sa dibdib ko.

Hindi naman sya pinansin ni King at dinaluhan nya ko agad. Nakita ko ang pagsenyas ng nakangising tatay ni Mikel sa dalawang halimaw na nakahawak sa akin para pakawalan ako.

Ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako pero pagkabitaw sa akin nung dalawa ay bumagsak na lang akong bigla sa braso ni King. Nilingon ko sya at nakita ko ang maraming emosyon na nagkahalo halo na sa mukha niya: pag-aalala, galit, pagod, takot, pagmamahal. Pumikit ako ng mariin. Hindi ako iiyak. I won’t give them the show they will love.

“Hi.” Mahina kong bati sa kanya.

Nakita ko naman ang pagtangis ng bagang ni King habang nakatingin sa akin at kalong ako ng mga braso nya.

“This shouldn’t happened.” Matigas na wika nya.

Umiling ako. “Ako ang may kasalanan. Hindi ako dapat agad nagtiwala.” Nahihirapan kong usal.

I can see the agony in his beautiful face. This is painful for him. I know.

“Tapos na ba yang kamustahan nyo? Pwede kami na ulit?!” maarteng sabad ni Ruth.

Maingat naman akong isinandal ni King sa pader na nandoon at hinarap sila. Gusto ko syang pigilan pero may magagawa ba ko? Considering my state? Papalalain ko pa lalo ang sitwasyon kapag nakialam ako.

“What do you want?” malamig nyang tanong.

Sabay namang ngumisi si Ruth at ang tatay ni Mikel habang nakayuko lang ang huli.

Huli na ang pagsisisi mo Mikel. The damage has been done. There’s no turning back.

“You and your damn fraternity.” Nanunuyang wika ng tatay ni Mikel.

Bigla namang tumawa ng napakalakas ni King. Napakunot ang noo ko. Anong pinaplano nya?

Napakunot ang noo ni Ruth sa inaasta ni King.

“Anong nakakatawa?” inis na wika ng tatay ni Mikel.

“Kayo. And your pathetic fraternity. Og well, if you can call it one.” Nakangising wika ni King.

Shit. He’s really up to something at kinakabahan na ko.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon