Article XCIV

1.8K 31 2
                                    

Madilim.

Malamig.

Pati parang ang bigat ng ulo at buong katawan ko.

Nasaan kaya ako?!

Nasa langit na ba ko?

Pinipilit kong ibukas ang talukap ng mga mata ko pero parang may magnet na nagpapanatili ng pagkakasara nito.

"King.. you better get some rest. Kumain ka na rin. Nung Monday ka pa ganyan! Thursday na! Gusto mo ba paggising ni Red ganyan yung itsura mo?!" Narinig kong sabi ni Ate Chi.

Gusto ko ng dumilat para makita ko si King pero unti  unti na naman akong kinuha ng kadiliman.

"Mirai and Rafa did their best. Sabi ni Dr. Rodriguez anytime soon ay magigising na si Red. But, Mirai and Rafa...." Gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Mirai at Rafa pero pagod na pagod pa rin ako at minsan pa ay nilamon na naman akong muli ng kadiliman.

"Red... ang tagal mo naman gumising oh! Mag-iisang linggo na. Ok na yung pahinga na yon. Bumalik ka na please. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita." Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni King sa kanan kong kamay. Pinilit ko itong galawin at nagtagumpay ako! Naramdaman kong nagulat si King at tumayo siyang bigla habang hindi pa rin nya binibitawan ang aking mga kamay.

"Dad.. gumalaw yung kamay ni Red!" Gulat na sigaw nito.

"Ok.. I will call Dr. Rodriguez.." maagap namang sabi ni Tito Troy.

Humigpit naman ang pagkakahawak ni King sa kamay ko at naramdaman kong muli ang paghalik nya rito at ang pagtulo ng luha nya sa palad ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at naghintay pa ako ng ilang sandali bago maka-adjust sa liwanag ang mata ko.

"King..." paos kong tawag sa kanya.

"Oo, Red. Nandito ako. Anong kailangan mo? May masakit ba sayo? Ok ka lang ba?!" Sunod-sunod na tanong nya sa akin.

Napangiti naman ako sa reaksyon nya. Ineksamin ko muna ang kabuuan nya bago ako magsalita. Gwapo pa rin sya. May kakaunti na syang bigote at balbas na tumubo sa mukha nya at kapansin pansin din ang malalim nyang mga mata tanda ng walang pagkapahinga. Oh, my King.

"Tubig. Gusto ko ng tubig." Paos ko pa ring tugon sa kanya sakto namang dumating ang sa tingin ko ay Dr. Rodriguez at si Tito Troy. Tinatapatan naman nya ako agad ng stetoscope at kinuha ang blood pressure ko.

"She wants water." Natatarantang wika ni King.

"Of course. Nurse, water please." Wika nito sa nurse na nandoon. Agad naman kumuha ang huli ng tubig at inagaw naman ito agad ni King at sya ang nagpainom sa akin. Sa sobrang pagkauhaw ko ay naubos ko ang inilahad nya sa aking isang basong tubig.

"She's perfectly fine now. Let's talk about when she will be discharged. Shall we?" Paanyaya ni Dr. Rodriguez.

"Sure. Let's go? Excuse us lovebirds. It's nice to see you again Red." Saka na sila umalis ni Dr. Rodriguez.

And we're alone now. I miss him.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon