Article XII

2.9K 52 1
                                    

“So, ikaw nga yon.” Tuwang tuwang sabi ni King habang naglalakad kami papuntang canteen. Isang subject lang talaga kasi ang meron kami tuwing Sunday. Yeah. Sunday. Hindi ko rin maintindihan kung bakit pero bakit pa ba ko mag-aaksaya ng panahon para kwestyunin ang bagay na hindi na mababago pa?

“Di ka na nagsalita dyan.” Untag nito sa akin. Nilingon ko naman sya saka ko sya nginitian.

“May iniisip lang ako.” Sabi ko sa kanya.

“At ano naman po iyon?” tanong nito sa akin habang nginingitian ang bawat estudyanteng makasalubong namin. Hari talaga. Pinigilan ko na lang mapailing habang pinagmamasdan ko sya.

“Di kaya... tadhana ‘to?” sabi ko sa kanya saka ko pa mas tinamisan ang pagkakangiti ko sa kanya. Nasusuka na naman ako sa ginagawa ko.

Nawala naman ang ngiti mula sa mga labi nya at nagsimulang maging seryoso ito. Tinitigan ko rin naman sya sa mga mata nya at bigla na lang syang nag-iwas ng tingin nya sa akin.

“Tara na nga.” Saka nya hinila yung braso ko.

Napangisi naman ako sa naging reaksyon nya. Alam kong naaapektuhan na sya sa ginagawa ko. Wala pang isang linggo pero mukhang mapapabilis ang trabaho ko. Di na ko makapaghintay.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon