Article LXXX

1.9K 43 0
                                    

Mirai Sekiguchi: Where are you?

Me: Walking home.

Bakit kaya bigla na lang nagtext yun? Hindi ko dinala yung kotse ko ngayon. Gusto kong mag-isip. Yung medyo matagal. Kaya napagdesisyunan kong maglakad na lang pauwi.

Mirai Sekiguchi: Are you freaking poor now? Why are you walking? Where’s your Mazda?

Napangisi naman ako. Sira ulo talaga.

Me: I’m unwinding, freak.

Mirai Sekiguchi: Maka-freak ka naman dyan. :((((

Ang arte talaga kahit kelan.

Me: Bakit ba kase?

Mirai Sekiguchi: Dyan ka na lang sa kinatatayuan mo. I’ll fetch you, may ipapakilala ako sa’yo.

Tumingin naman ako kung nasaan na ko. Medyo malayo pa ko sa Edzreal. Matapos kong sabihin sa kanya yung eksakto kong kinaroroonan ay hinintay ko na lang syang dumating.

After 15 minutes naman ay dumating na sya sakay ng SUV nila.

“Sino bang ipapakilala mo?” tanong ko sa kanya nung nakasakay na ko.

“Yung bagong member natin na sinabi ko sa’yo nung nakaraan.” Sagot nya sakin.

Nginisihan ko naman sya. I smell something fishy.

“Bakit? Pinopormahan mo na ba? Ha?” saka ko pa itinaas taas yung kilay ko sakanya.

“The hell Red! Gusto ko lang makilala mo kasi sya yung nag-iimbestiga dun sa nangyaring insidente sa isa nating kamiyembro nung nakaraang buwan.” Paliwanang naman nya sa akin.

Napatango na lang ako. Buti ipinaalala sa akin ni Mirai yun. Hindi pa nga pala kami tapos sa pag-iimbestiga sa nangyari na yon. Naiinis na nga ako kay King kasi parang wala man lang syang ginagawang hakbang para maresolba yung kaso na yon. To think na miyembro nya yung naagrabyado. Tsk.

“We’re here. Let’s go. She’s already inside.” Aya sa akin ni Mirai saka na sya bumaba at hindi ko na sya hinintay pagbukasan ako ng pinto kusa na kong bumaba.

“Kelan mo ba ko hahayaang pagsilbihan ka?” nag-iinarteng tanong nito sa akin.

“I’m not that type of girl, you know that.” Nakangisi kong sagot sa kanya.

Sinimangutan lang naman nya ko.

Isang nakatalikod na babae ang nadatnan namin sa pinareserve na table ni Mirai sa isang restaurant malapit sa Edzreal. Mahaba na tuwid na tuwid ang buhok nito, maputi ang balat halos parang maputla na yung kulay ng balat nya, and she has that petite type of body that all the girls are dying to have.

“Rafa..” tawag ni Mirai dun sa nakatalikod na babae. And really, para akong nakakita ng anghel sa lupa. No kidding.

Ngumiti naman sya sa amin saka nya inextend yung kamay nya sa akin.

“Rafaela Maria Fuentebella. And you must be the famous Red Del Valle. I am pleased to meet you.” Saka nya ko nginitian.

Inextend ko naman yung kamay ko para tanggapin yung kamay nya.

“The pleasure is mine Rafaela.” Sagot ko sakanya.

“Rafa na lang. Since we already belong to the same family I think we can remove the formality I guess?” nakangiti pa rin nyang wika.

“Of course.. of course..” sagot ko naman sa kanya.

“By the way, nabanggit sa akin ni Mirai na ikaw daw yung may hawak ng kaso ni Jeff? Yung ka-miyembro natin na nabugbog last month?” tanong ko sakanya.

“Ah, yes. Actually nagbasakali ulit ako dun sa CCTV footage na sabi sakin ni Mirai na nagself destruct pagkatapos nyong panuorin. And fortunately after so many attempts narecover natin yung file.” Paliwanag nya. My heart beats fast.

“And? Alam nyo na yung name nung girl?”

“Hindi pa. I’m still working on that matter. Mahirap kasing magpadalos dalos. But I already have a lead kung sino yung posibleng babae na nasa CCTV.” Pagpapatuloy nya.

Napahinga ako ng malalim.

“Nice."

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon