Article LXXXI

1.9K 38 1
                                    

Matagal di kaming nag-usap nila Mirai dahil marami pa kong itinanong tungkol sa kung anong maaari kong maitulong sa pag-iimbestiga nila.

Inalok naman ako ni Mirai na ihatid pero tumanggi na ko. Nalaman ko kasing sa Cavite umuuwi itong si Rafa kaya sinabihan ko na si Mirai na si Rafa na lang yung ihatid nya tutal naman malapit lang sa Edzreal yung restaurant na kinainan namin, maglalakad na lang ako. Gusto ko pa rin namang mag-isip.

Tiningnan ko muna yung orasan ko bago ako magsimulang maglakad. 7:16pm.

Kaya pa, mga 15 minutes lang naman yung layo nung restaurant na to papuntang Edzreal. Sa tingin ko ay makakapag-isip na ko ng payapa sa oras na yon.

Habang naglalakad ay sinimulan kong pag-isipan ang lahat ng nangyayari sa amin ni King. Haay. Wala na nga kami diba? Pero bakit kailangan ko pa syang isipin?! Bumalik na sya. At alam kong anytime ay lilitaw na lang syang bigla sa harapan ko. Marami raw akong kailangang ipaliwanag? Ako ba talaga ang maraming dapat ipaliwanag? Tungkol ba kay Mikel? Bakit? May pakialam pa ba sya kung anong gusto kong gawin sa buhay ko?! Hindi ko na naman sya kaano ano! Ni wala na kaming relasyon!

“Tsss..” saka ko sinipa yung bato sa dinadaanan ko.

Bigla namang may pumatak na malamig sa may braso ko. Tiningala ko ang kalangitan at nakita kong wala ni isang bituin sa langit. Uulan pa?! ang swerte ko talaga.

Hindi na ko nakapag-isip pa at bumuhos na nga ang napakalakas na ulan.

“Wow.” Nasabi ko na lang.

Hindi ko na rin tinangkang sumilong pa. Para saan pa? E basang basa na rin naman ako.

Nakakailang hakbang na ko nang biglang may humintong kotse sa may tabi ko.

Nilingon ko naman kung sino yung nasa loob ng kotse pero hindi ko makita sa sobrang pagka-tinted nung salamin nito.

Maglalakad na sana akong muli ng bumukas ang bintana nito. Ilang sandali akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa loob nito.

“What are you waiting for?” naiirita nitong tanong sa akin.

Imbes na masindak ay hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Naulinigan ko pa ang malakas nyang pagmumura.

“What the hell Red! Magkakasakit ka! Ano ba!” sigaw nya sa akin.

Pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

Naramdaman ko naman na inihinto nya yung kotse nya. Nung akala kong sumuko na sya ay bumaba lang pala sya para sundan ako.

“RED! Ano ba! Wag ka na ngang magmatigas dyan! Magkakasakit ka e!” galit pa rin yung boses nya peo may halo ng pag-aalala.

“Kaya ko na.” sa wakas ay sabi ko sa kanya.

Narinig ko namang tumawa sya ng pagak.

“Kaya mo na?! Talaga?! Ang yabang mo naman!” nanunuyang wika nya sa akin.

Pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Red! Sumakay ka na kase!” pilit ni King sa akin.

“Umuwi ka kung gusto mo.” Pagtataboy ko sakanya.

“Ang tigas mo naman e!” paghihimutok nya sa akin.

“Bumalik ako kahit masakit sa akin yung mga naging desisyon mo dati Red. Nilunok ko na lahat ng hiya ako para lang mabigyan ng bagong pagkakataon yung meron tayo. Alam kong naging gago ako dahil sa ginawa ko. Pero ipinaliwanag ko na yon diba?! Pinagselos lang kita! Masakit yung ginawa mo sa akin nung niloko at ginamit  mo ko dati!”

“O de lumabas din! Gusto mo lang maghiganti sa akin diba?! Minahal kita ng totoo King! Paano tayo makaka-move on kung lagi na lang nating ibabalik yung nakaraan? Paano tayo makakapagsimula ulit kung hindi natin mapatawad yung isa’t isa?! Sabihin mo sa akin King. PAANO?!!!” frustrated kong tanong sa kanya. Panay na ang tulo ng luha mula sa mga mata ko. Maraming salamat sa ulan. Hindi masyadong halata na iniiyakan ko pa rin sya hanggang ngayon.

Napatulala naman sa aki  si King at napailing.

“Kaya kong kalimutan ang lahat Red. Ginagawa ko na ngayon yun. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin. Sige. Hindi na kita guguluhin. Pero sumakay ka na. Ayaw kong magkasakit ka.” Malungkot na wika nito.

Wala naman akong nagawa kung hindi sundan ang walang siglang si King.

Naguguluhan na ko. Ang gulo na ng kwento na to.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon