Article XXXII

2K 51 1
                                    

Pinagtaasan ko naman ng kilay si Joyce.

“Hindi pa ba halata?” nakangisi kong tanong sa kanya.

“I think Mirai just confessed his feelings with me.” Madamdamin kong dugtong.

Kumunot naman ang noo nya sa akin. “P-Pero boyfriend mo si King..”

“Yes!” may pagmamalaki kong sagot sa kanya. “Nag-confess lang naman si Mirai, kasalanan ko ba na mahalin nya ko?” matalas kong tanong sa kanya.

“Pero bakit nagyayakap kayo?” nalilito nyang tanong sa amin.

“Correction.” Madiin kong usal. “Mirai hugged me, yes. But I don’t hug him back.”

Napailing naman sya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“Alam ba ni King ‘to?”

“Sa tingin mo kapag nalaman nya magkaibigan pa rin sila ni Mirai hanggang ngayon?” saka ko sya inirapan. Tell me, nasan ang common sense ng babaeng ito?

“No. Niloloko nyo sya. Mirai..” saka sya bumaling kay Mirai na nakatingin sa malayo.

“Sisirain mo ang pagkakaibigan natin dahil lang sa babaeng yan?” malungkot na tanong nito kay Mirai. Napangisi ako. The hell with the drama!

“Wala akong sinisirang pagkakaibigan. Sinabi ko lang kay Red kung anong nararamdaman ko. Yun na yon!” nabubugnot na sagot ni Mirai sa kanya.

“Ok ka na?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

Napailing lang ito at tinalikuran na kaming dalawa ni Mirai.

Napatawa naman ako ng malakas nang makapasok na sya sa loob ng bahay pero pagkuwan ay tumigil din ako at naikuyom ako ang mga palad ko.

“Narinig kaya nya ang pag-uusap natin?” mahina kong tanong kay Mirai.

“Sa tingin ko’y hindi naman.” Tugon nya sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya.

“May pa-mahal mahal ka pa kasi dyan! Kapag nagsumbong yung babae na yun kay King at nalaman nyang patay na patay ka sakin. Patay ka na talaga.” Wika ko.

Tumawa naman sya ng malakas at inakbayan ako. “Ang yabang mo.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon