Article XLII

2.1K 45 0
                                    

Nanginginig ako pagkapasok ko sa condo ko. Napasalampak na lang ako sa may carpeted na sahig at ni hindi na umabot pa sa sofa na nasa sala. Napayakap ako sa tuhod ko habang nakatitig sa kawalan. Ang dami kong iniisip na mangyayari. Paano.. paano kung sinabi ni Joyce kay King ang lahat ng narinig nya? Ni hindi ko pa uli nakakausap si King simula nung umalis sya para makipagkita sa tatay nya. Ni hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya. Wait.

Dahan dahan ako tumayo at pinagpagan ko ang sarili ko. Bakit ba ko natatakot? Kelan pa ko naging duwag? Ganito ba ko sa simula? Di’ba nga? I am that badass bitch girl who can slap everybody’s face whenever I want to? Nakuha ko na yung gusto ko. Dapat ok na ko. Bakit pa ba ko natatakot sa magiging reaksyon ni King? It’s all over now anyway. Pwede na kong magsimula uli ng panibagong buhay nang hindi na sya kasama pa. Pinilit kong ngumiti. Tama. Ganun na nga ang gagawin ko.

Papunta na ko sa kwarto ko ng biglang tumunog ang telepono sa may sala ng condo ko. Tinatamad kong iniangat ang telepono mula sa lalagyanan nito at hinintay magsimula ang nasa kabilang linya.

“Hindi ka man lang talaga marunong mag-Hello ano?” pang-aasar na bungad sa akin ni Mirai.

“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ko sa kanya.

“WHOA! Looks like the old Red was back!! Good for you then. May pagpupulong mamayang gabi, ipapakilala ang pinakabagong miyembro at ang susunod na Supremo.” Wika nito. Bigla na lamang nag pagkabog ng dibdib ko. Napangisi ako. Yeah, of course.

“Hindi na ko makapaghintay pa.” sabi ko saka ko na ibinaba ang telepono. Kailangan kong paghandaan ang paghaharap namin mamaya. Kailangan nya ng makita ang totoong ako.

Dali dali naman akong naligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagpunta sa pinakamalapit na mall.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa isang malaking bahay kung saan magaganap ang pagpupulong. Sinabihan ako ni Mirai na kailangang naka-dress man lang ako dahil isa itong malaking selebrasyon. Bakit hindi? I-wewelcome lang naman namin ang future Supremo ng organisasyon. Napangisi akong lalo. Excited na ko.

Taas noong naglakad ako papasok at lahat ng madaanan kong bisita ay nagpapakita ng kanya kanyang personalidad at alam mong hindi basta basta. Sa di kalayuan ay nakita ko na ang malapad na ngisi ni Mirai habang kausap ang tatlong babae sa kanyang harapan.

Napatingin sya sa akin at napatitig sandali. Kumunot ang kanyang noo at dahan dahang nagliwanag ito matapos akong makilala. Umalis sya sa harapan nung tatlong babae nanag hindi man lang nagpapaalam.

“Whoa! Ikaw ba yan Red?” manghang manghang tanong nya sa akin.

Numisi naman ako sa kanya. “Sino pa?”

“You look good. Uhhh. No, you look great.” At bigla namang lumamlam ang kanyang mga mata.

Nginisihan ko lang naman sya saka ko inilibot ang mga mata ko sa loob ng bulwagan.

“Short hair really suits you, I must say.” Sabi pa ni Mirai habang sinusundan ang tingin ko.

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang pagtawag ng atensyon ng emcee sa mga taong nandudoon sa loob.

“I’m glad to present to you! Our new member and our future Supremo! King Chavez! A big hand for him everybody!” saka ko nakita si King na naglakad papuntang stage. He’s deadly handsome!

Madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha habang sinusuyod ang mga bisita. Tumigil lang sya ng matagpuan nya ang mga mata ko. Nginisihan ko naman sya at kitang kita ko kung paano nagtagis ang kanyang mga bagang. Great King. Kamuhian mo ko.

“Hindi ko akalain na tatayo ako sa harapan nyo. I never dream being with you guys.” Patuyang sabi nya na nagpahalakhak naman sa iba.

“But this girl changed everything.  Ang galing nya. Ang galing galing.” He said like a normal speech pero ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses. Nawala ang pagkakangisi ko at napalitan ng panlalamig ng mga kamay.

“Let’s give her a toast everyone!” saka nya itinaas ang kopitang hawak hawak niya.

“For the girl whom I treated my Queen! Your King has fallen. And now, I’ll always be watching you.” Wika ni King at pagkatapos ay inisang lagok ang hawak nitong alkohol.

He’s gotten mad. Very very mad.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon