Article LXXIX

1.9K 36 0
                                    

“You ok?” tanong sa akin ni Mikel habang naghihintay kaming magsimula yung program sa auditorium ng school namin.

“Yeah.” Mahinang sagot ko sakanya saka na ako tumingin ulit sa harapan. Ano nga bang meron ngayon? Urgh. Hindi ko alam. Simula nung umalis si King sa unit ko, hindi ko na alam yung mga nangyayari sa paligid ko. Kapag may klase nga lang ako nasa katinuan pero kapag wala na, para na naman akong walker. Tamang nakakakilos pero walang buhay.

“Halos isang linggo ka ng ganyan Red. Sigurado ka bang ok ka lang?” concern na tanong sa akin ni Mikel. Nilingon ko naman sya at nginitian ng malungkot.

“Wala na kami ni King.” Nakita ko naman ang sandaling pagguhit ng gulat sa mukha nya subalit sa isang sahlit lang ay bumalik na uli sa normal ang ekspresyon nya.

“So, that explains your weird silence.” Tatango tango naman nyang tugon sa akin saka na sya parang nahulog sa isang malalim na pag-iisip.

Pagkatapos ng program sa auditorium na hindi ko naman naintindihan ay sabay na kaming umuwi ni Mikel. Dadaan muna sya sa unit ngayon para makapag-movie marathon kami.

“Eto na lang panuorin natin.” Sabi ni Mikel habang hawak yung isang action movie na CD. Tinanguan ko na lang naman sya, hindi naman talaga ako mahilig sa pelikula kaya kahit ano pang isalang nya dyan, wala na kong pakialam, gusto ko lang talaga ng kasama ngayon dahil kapag mag-isa na lang ako para bang gusto kong puntahan si King at mag-sorry sa lahat ng katangahan ko. Pero nahihiya ako. Galit pa rin ako. Bakit nya ko kailangang pagselosin? Akala ba nya laro lang ang lahat ng ito? Pero kunsabagay. Ginawa ko rin naman sa kanya dati yon. Napabuntong hininga na lang ako. Kelan ba kami makakamove forward sa nakaraan? Parang hindi na ata.

Nilingon ko naman si Mikel sa tabi ko at nakita kong wala rin sa pinapanuod namin yung atensyon nya. Nakatingin nga sya sa may TV pero halatang wala naman sa pinapanuod yung iniisip nya.

Siniko ko naman sya at lumingon sya sa akin. “Patayin mo na yan. Sayang lang kuryente. Uminom na lang tayo.” Aya ko sakanya. Sinunod naman nya ko at inihanda ko na sa balkonahe ng unit ko yung iinumin namin.

“Parang hindi lang ako ang may problema. May problema ka rin ba? Ha?” tanong ko.

Uminom muna sya bago nya ko sinagot.

“Hindi ko na alam. Naiipit ako e.” sagot nya sa akin.

“Naiipit?” naguguluhang tanong ko sakanya.

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago sya nagpatuloy.

“Paano kapag yung taong akala mong mapagkakatiwalaan ay hindi pala? Yung akala mong kakampi, kalaban pala. Yung akala mong kaibigan, traydor pala?” wala sa sariling sabi nya sa akin.

“Kaya nga hindi patas ang buhay diba?” nagkibit balikat ako. “Ganun talaga. Wala naman tayong magagawa kung hindi umiwas na lang.”

“Paano kung hindi ka na makaiwas?” tanong nya.

“De wala. Mangyayari ang mangyayari Mikel.” Walang pakialam na sagot ko sakanya saka ako tumungga sa hawak kong alak.

“Kunsabagay. May mga bagay na nagtutulak sa ating gawin yung mga bagay na minsan ayaw naman talaga nating gawin. Hindi naman porke’t ginawa mo yung bagay na yon, gusto mo talaga. Minsan kinakailangan ng pagkakataon at mga pangyayari.”

“Ang lalim mo ngayon. Hindi ako sanay. Kung sino ka mang nasa katawan ni Mikel, lumayas ka na!” walang siglang biro ko kay Mikel. Totoo lahat ng sinabi nya. Ganyan ako dati. At alam kong maraming ganyan ngayon.

“Basta kahit anong mangyari Red, tatandaan mong mahal kita.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon