Article LXXXV

1.9K 35 1
                                    

Mikel Tiongson: After class. Meet me at the parking lot.

Gaya ng sabi nya sa text naglakad kaagad ako papuntang parking lot pagkatapos ng klase ko. But I need to call King first, I noted in my mind.

Nakakailang ring na ay hindi pa rin sinasagot ni King yung phone nya kaya hindi na ko nangulit pa. Baka nasa kalagitnaan ng meeting yon at alam kong iniiwan nya yung phone nya sa office kapag may meeting sya.

So, instead of calling him. Tinext ko na lang.

Me: Don’t bother fetching me today. I need to attend some errands with Mikel. He said that he’ll just show me something, and I’m still guilty about what happened, most especially that we are together again now.  I’ll come home as soon as possible. I love you.

Pagkatapos kong maisend yung message ko ay sakto namang nakarating na rin ako sa kinaroroonan ng kotse ni Mikel. Naabutan ko sya na parang may malalim na iniisip dahil malayo ang tingin nya.

“Hey.” Bati ko naman sa kanya. Lumingon sya sa akin at ngumiti ng malungkot.

“Hey.” Bati nya rin sa akin. “Let’s go?” aya nya saka na nya ko pinagbuksan ng pinto ng kotse nya.

“San pala tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang ikinakabit ko yung seatbelt.

“Reunion.” Maikling sagot nya sa akin saka sya nagkabit ng face mask.

“Why are you wearing those?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Nagka-allergy ako last time sa aircon ng kotse ko e.” sagot nya sa akin.

Napatango na lang ako.

“It must be the dust. Maglinis ka rin naman kasi ng kotse Mikel!” biro ko sakanya.

Tumawa sya ng mahina pero hindi sumagot. Naninibago ako. Parang may mali sa kanya.

At nung ibubuka ko na yung bibig ko para tanungin sya kung may problema ba ay nakaamoy ako bigla ng mabaho at nakakahilong amoy. Then in just a split second, I can’t feel my body anymore.

What the hell is happening?!!

Tumingin sa akin si Mikel at nagbuntong hininga.

“Looks like it’s working.” Wika nya.

Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya.

“I’m sorry Red. Kailangan kong gawin to. Years ago nung nagkakilala tayo. Hindi iyon aksidente lang. Planado ang lahat Red. Yung pagkamatay ni Mommy 7 months ago. That was fake. Matagal ng patay si Mommy. I was 7 when she left me and Dad. Bakit ko ginagawa to? Dahil sa fraternity. It was your parents and King’s parents who started this war between our fraternity and yours. Dahil sa kanila namatay si Mommy. No, of course not. Hindi pinatay ng magulang mo o magulang ni King ang Mommy. She killed herself because of your damn fraternity!! Alam na ni Dad at Mom ang mangyayari once na ma-establish Alpha Omega Phi. Lahat ng miyembro namin lilipat sa inyo at mawawalan kami ng mga miyembro. Hindi kaya ng Mom yon. So Dad thought that if we will kill your parents or King’s parents they will eventually stop establishing AOP. But no, matapos mamatay ng parents mo, mas naging successful ang pagsisimula ng AOP. Halos mabaliw ang Mom ng makita nya na unti unti ngkumakalas sa grupo ang miyembro nito. And one day, BAM! Pagkauwi ko after class I found her lying on her own blood. She ends her life just like that. I live miserably from that day Red. And I promised to Dad that I will bring back Gamma Delta Iota.”

I was stunned for a moment. That was our rival fraternity!

“Yes. Ang kalaban ng fraternity nyo. Sorry Red. But I need to do this. Ang swerte ko nga dahil it’s like hitting 2 birds in one stone. Sinong mag-aakala na magkakaigihan pa kayo ni King? After this, babalik na uli ang Gamma Delta Iota. Magiging masaya na ulit kami ni Dad Red.” parang nababaliw na wika ni Mikel.

Wala akong magawa dahil manhind ang buo kong katawan. I can’t believe this.

Napailing na ang ako habang walang habas sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.

This is the end.

(Note: I changed the rival fraternity of King and Red because I simply forgot what i wrote on the previous chapter. Hahahaha. Sorry. Memory Gap. I'm actually always like this.)

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon