Article LVIII

2K 44 0
                                    

Nagulat pa ko nung i-check ko yung cellphone ko at makita ang tambak na messages ni King doon.

Binuksan ko yung isa. And it reads...

King Chavez: Where are you?

Tapos tiningnan ko pa yung tatlo pa nyang texts.

King Chavez: Nasaan ka ba? Umuwi na tayo.

Then I checked my watch. Shit. 8:00 p.m. It’s late. At kanina pa ‘tong mga text nya.

And I continue reading his messages.

King Chavez: What the hell? Don’t just fucking read my messages. FREAKING REPLY!

Napangisi ako. Teka. Mali ba na maramdaman ko to? I find him cute.

Saka ko na rin binasa yung huli nyang message na kanina pa 1 hour ago.

King Chavez: Wala ka sa library. Wala ka sa condo. Magsasara na yung school. I’m damn worried right now. Please reply.

Para namang nalusaw yung puso ko huling text nya kaya dinial ko agad yung number nya. Nakakadalawang ring pa lang ng sagutin nya ito.

“Where are you?” hinihingal na tanong nya sa akin.

“Sorry. Hindi na ko nakapagpaalam. Akala ko kasi umuwi ka na kanina. May nakabunggo akong kaibigan. Hindi ko na namalayan yung oras, sorry talaga. Pauwi na ko.” Sagot ko naman sa kanya.

“Susunduin na kita dyan. Nasan ka ba?” tanong nya sa akin.

Nakita ko namang pabalik na si Mikel dala yung kape na inorder nya.

“Hoy babaeng pula! Eto na yung kape mo.” Pabalang na wika nito sa akin bago nya mapansing may kausap pala ako sa cellphone.

“Who’s that?” tanong sa akin ni King.

“Ahh. Nandito ako sa mall malapit sa school. Hintayin na lang kita sa labas. Ingat!” saka ko na sya pinagbabaan. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang yung naging reaksyon ko. Parang natakot ako biglang sabihin kay King na si Mikel yung kasama ko. What’s wrong with me?

“Sige. Una na ko. Salamat sa time. Kita na lang uli tayo sa school.” Paalam ko sakanya.

“Hatid na kita. Saan ka ba tumutuloy ngayon?” tanong naman sa akin ni Mikel.

“Wag na. Susunduin ako ni King.” Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

“Inlove na inlove ka ah.” Nakangising tukso nito sa akin.

“Hindi masyado.” Sagot ko naman sa kanya.

“Samahan na lang kita habang hinihintay mo sya?” alok nya uli.

“Wag na. Next time na kita papakilala sa kanya. Bye!” paalam ko na sa kanya saka na ko nagmamadaling lumabas ng mall.

Naghintay pa ko kay King ng mga kalahating oras sa labas bago sya dumating. Ang lamok ha.

“Hey.” Bati ko kay King dumating sya.

Bumaba naman sya sa Mustang nya at niyakap ako ng mahigpit.

“Why?” natatawa kong tanong sa kanya.

“Akala ko nawala ka na.” mahina nyang bulong sa leeg ko. Hinagod ko naman yung likuran nya.

“Sorry.” Sabi ko naman sa kanya.

“Uwi na tayo.” Sabi ko sa kanya nung maramdaman kong kumalma na sya.

“Let’s go.” Sabi naman nya sa akin saka na nya ko pinagbuksan ng pinto nung kotse nya. Hindi naman nya binibitawan yung kamay ko habang nagdadrive sya. Pinagtatawanan ko na nga kasi parang ang ao na. pero syempre ineenjoy ko na lang.

Hawak hawak pa rin nya yung kamay ko nung paakyat na kami sa may condo ko.

“Sino nga yung kaibigan na sinasabi mo kanina?” tanong nya sa akin.

“Ah. Yung kaibigan ko sa pinanggalingan namin ni Kuya.” Sagot ko naman sa kanya saka ko na binuksan yung pinto ng condo ko.

“Babae?” mapang-usisang tanong nya sa akin.

“Ahh. Hindi e.” sagot ko sakanya na nag-aalangan. Hindi naman siguro sya magseselos since lalake din naman si Mirai at Drave?

“A boy? Hindi ka pa ba nauumay kay Mirai at Drave?” asar na wika nito.

“King.. mas nauna kong nakilala si Mikel kesa dun sa dalawa na yon.” Malambing kong wika sa kanya saka ko sya niyakap. Ayoko ng pagtaluhan namin to.

“Mikel?” tanong nito.

“Ahh. Yeah.. Mikel Tiongson.”

“Tiongson..” ulit nito sa sinabi ko.

“Why? Is there a problem?”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon