Article XVI

2.6K 53 3
                                    

“Kamusta?” sabi ng kakadating lang na lalaki sa akin saka umupo sa tabi ko.

Hindi naman ako sumagot imbes mas pinakatitigan ko pa ang lalaking nakangisi habang sumasayaw sa dance floor.

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Draven at ang marahas nyang paghawak sa braso ko.

“Marumi kang maglaro Del Valle.” Madiin nyang sabi sa akin. Masakit yung pagkakahawak nya sa braso ko pero nanatiling blangko ang ekspresyon ko.

“Bitiwan mo ko.” Malamig na wika ko sa kanya. Saka ko sya nilingon at tinitigan sa mata.

Dahan dahan naman nyang binitiwan ang braso ko at ngumisi. Kinuha nya ang bote ng beer na nasa lamesa at ininom iyon hanggang masaid ito sa kahuli-hulihang patak.

“Mabait na tao si King.” Umiling pa ito.

Alam ko. Pero wala akong pakialam. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero alam kong lalo lang mag-aalab ang galit nya sa akin.

“Hindi nya deserve ang babaing tulad mo. Layuan mo na sya.” Pagbabanta nito sa akin.

“Sabihin mo yan sa Supremo nyo.” Sagot ko sakanya habang nakatingin kay King na nakangiti sa akin at ikinakaway ang kanyang mga kamay sa gawi namin ni Draven.

Ikinaway ko rin naman ang kamay ko sakanya at nginitian syang pabalik.

Narinig ko ang pagtawa ng mapait ni Draven at pagmumura nito ng madidiin.

“Binabalaan kita. Hindi pa kailanman umibig sa isang babae si King. Ayaw kong sa isang tulad mo lang sya iibig at ano pagkatapos? Iiwan mo rin sya?” matigas na sabi nito.

Tumayo naman ako at bago tahakin ang kinaroroonan ni King ay iniwanan ko sya ng isang malinaw na sagot.

“Wala akong pakialam.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon