Article V

5.3K 86 0
                                    

“Whoooooo!!!”

Maingay na paligid.

Malilikot na galaw ng makukulay na ilaw.

Magagaslaw na galaw ng katawan sa saliw ng malakas na musika.

Nag-uumapaw na nakalalasing na inumin.

“KING!! YOU’RE REALLY THE KING!!” nakabibinging sigaw ng isang matangkad at mestizong lalaki sa tabi nya.

Napangisi naman sya ng malaki at mas ginaslawan pa ang pagsasayaw. Wala na syang pakialam kung babae man o lalake ang natatabig nya, basta patuloy lamang sya kanyang ginagawa.

“ALL DRINKS ON ME!! MAMATAY KAYO SA KALASINGAN!! WHOOO!!” at sinundan nya pa iyon ng tumataginting na halakhak. Sinimulan nya ring isaboy ang hawak na alak sa lahat ng taong nagsasayaw sa dancefloor. Ngunit walang umangal imbes ay mas ginanahan pa ang mga itong sumayaw.

Sa di kalayuan ay isang matiim na titig ang sa kanya’y nakatuon. Tumalikod ito sa lalaking itinuturing na hari ng lahat ng lugar na kung saan bumabaha ng alak at kasiyahan. Napailing ito sa isiping ito ang magiging kapalit ng matagal na nyang hinahangad na maibalik sa kanya.

Oo. Alam nya. Hindi magiging madali ang pagbawi sa bagay na matagal nang nawala sa kanya. Pero ngayon pa ba sya uurong? Kung kelan nakahain na sa kanya ang matagal na nyang pinakaaasam?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon