Article VIII

4K 72 0
                                    

Napapikit ako ng mariin ng biglang kinalabog ng barumbadong lalake na ‘to yung bubong ng Mazda ko. Di ko rin napigilan ang pag-usal ng isang mariin na mura sa harapan nya.

“Bakit mo ko sinusundan? HAH?!!” matigas na tanong nito sa akin.

Tiningnan ko naman sya habang nag-iisip ng idadahilan. Nang wala akong maisip ay humarap na lang muli ako sa manibela ko.

Narinig ko namang sunod sunod syang nagmura.

“ANO BA?!! BABANGASAN NA KITA DYAN!!” irita nitong banta sa akin.

Humarap naman ako ng unti unti sa kanya habang maluha luha  ang mga mata ko. Nakita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nya nang makita nyang malapit na kong umiyak.

“Akala ko kasi ikaw yung hinahanap ko kaya kita sinundan.” Mahina kong usal habang nakayuko saka ako nagkunwaring nagpunas ng luha.

Naramdaman ko namang hindi na sya mapakali sa labas. Napakadali naman palang papaniwalain ng engot na lalaki na to. Napangisi naman ako ng minsan pa at tiningala syang muli habang umaarte pa ring kaawa awa.

“Akala ko kasi talaga ikaw yun. Tapos hindi ko namalayan na nakalayo na pala ako kakasunod sa kotse mo tapos di ko naman alam yung daan pauwi. Pasensya ka na ha?” sinigurado ko namang pipiyok ako sa huling sasabihin ko para tuluyan na syang bumigay sa bitag ko.

“Ahh. Ehh..” saka sya nagkamot ng ulo nya.

“Ganun ba? Pasensya na ah. Akala ko kasi isa ka rin dun sa mga inupahan ni Dad para sundan ako e. O sige ganito na lang, sasakay na uli ako sa kotse ko tapos sundan mo na lang ako hanggang makarating tayo sa main road.” Sabi nito sa akin.

Umarte naman akong nasiyahan sa sinabi nya at hinawakan ko pa ang braso nya na nasa bintana ng kotse ko.

“Nakuu! Salamat talaga ah? Ang bait mo naman pala kahit tinakot mo ko kanina.” Humagikgik pa ko pagkatapos kong sabihin yon. Hindi pa ba sya aalis? Sukang suka na ko sa pinaggagawa ko.

Bigla naman syang nag-iwas ng tingin sa akin at dali daling binawi ang braso nya na hawak hawak ko.

“Uhh. Sige, sundan mo na lang ako.” Saka na sya mabilis na umalis sa harapan ko at sumakay sa Lexus nya.

Napangisi naman ako ng magsimula na kaming umandar muli.

“Sisiw.” Napapito pa ko habang pinagtatawanan kosya sa isip ko.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon