Article LX

2K 43 0
                                    

“King...” mahina kong nasabi nung makita ko syang halos hindi na humihinga habang nakatingin kay Mikel.

“T-Teka.. I’m going to explain.. let’s go inside my room.” Sabi ko saka ko na sya hinila papuntang kwarto ko.

Ang tigas naman nung muscle nya sa kamay nya halatang nagpipigil lang sya ng galit nya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

“Sya si Mikel Tiongson.” Panimula ko na parang wrong move ata dahil lalong kumunot yung noo  nya sa akin.

“Uhh.. Y-Yung sinabi ko sayong kaibigan ko dun sa lugar na pinanggalingan namin ni Kuya bago kami napadpad dito.” Segunda ko sa paliwanag ko sa kanya.

“Bakit sya nandito?” seryosong tanong nya sa akin.

“Ahh, kase nga ano.. ano.. nasa school ako kanina tapos inaya nya ko sa annual ball kaso sabi ko di na lang ako pupunta kung hindi kita kasama.” Walang preno kong salita. Napatutop naman ako sa bibig ko matapos ko marealize yung sinabi ko. Packing tape! Para ba kong nagpaparinig sa kanya na i-date nya ko?

Bigla ko namang nakita ang pagkislap ng mga mata nya at sandaling pagngisi nya pero nagkunwarian lang syang umubo at bumalik na naman yung pagkakakunot nung noo nya.

“Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko Red. Bakit sya nasa loob ng condo mo habang suot suot lang ang apron mong strawberry? Bakit ka nya ipinagluluto?” sunod sunod nyang tanong sa akin.

“E nung sumakay ako ng kotse. Sumama sya. Kilala ko na kasi yan. Makulit talaga kaya hindi ko na pinigilan. Pati nagmamagandang loob lang naman yung tao na ipagluto ako aksi kakatapos ko lang gawin yung mga reports at term papers ko.” Depensa ko sakanya.

“Pwede mo naman akong tawagan para ipagluto kita ah?” parang naiinsultong wika nito sa akin.

“Bakit? Marunong ka bang magluto?” inosente kong tanong sa kanya.

Sukat noon ay bigla namang namula yung tenga nya saka sya lumihis ng tingin sa akin.

“Ade. Ipag-oorder kita. Kahit ano pang gusto mo!” defensive naman nitong sagot sa akin.

Napangisi naman ako sa sinagot nya. Dahan dahan ko naman syang nilapitan at saka ako yumuko para yakapin sya.

“Sorry na. Mapagkakatiwalaan si Mikel. Matagal ko na rin syang kilala at alam kong mabuti syang tao.” Assurance ko kay King.

Nagbuntong hininga lang naman sya at niyakap na rin naman ako ng mahigpit.

“Ayoko lang talaga may ibang lalakeng lumalapit sa’yo. Natatakot ako na baka bigla ka na lang nilang agawin mula sa akin. Sa akin ka lang diba?” mapang-angking tanong nya sa akin.

Bumitaw naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya saka ko dahan dahang inilapat ang labi ko sa labi nya. Matapos ang ilang segundo ay inilapat ko ang noo ko sa noo nya at tinitigan ko sya sa mga mata nya.

“Oo, King. Sa’yong sayo lang ako.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon