Article LXXIV

1.9K 37 0
                                    

Tama nga si King. After mai-cremate ng Mommy ni Mikel ay hindi na rin namin nagawa ni King yung binalak kong bakasyon. Madalang ko na rin syang makita dahil lagi lang akong nasa bahay nila Mikel para bantayan sya. Hindi ko akalaing bibigay sya pagkatapos ng cremation ng Mom nya. Hindi ko sya maiwan. I felt responsible in his life now.

Minsang nagdidinner kame ni King nang tumawag na lang syang bigla na humahagulgol ng iyak. Alam kong badtrip na si King sa akin pero wala akong magawa. Mikel badly needs me right now at hindi ko sya kayang iwan.

Katulad ngayon, nasa loob lang ako ng kwarto nya habang binabantayan ko syang matulog. Natatakot akong baka kapag nalingat lang ako sandali ay may gawin syang makakasama sa kanya. Nawalan na ko minsan ng minamahal, nung mamatay ang Mama at Papa ko. Ayaw ko ng maulit pa yun ngayon sa isa pang mahalaga sa buhay ko.

Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako. Naramdaman ko na lang na nakaangat na ko sa ere. Pagdilat ko ay ang gwapong mukha ni Mikel ang nabungaran ko. Nginitian nya ko.

Magsasalita pa lang ako ng ibaba nya ko sa kama at kumutan ako.

“Ikaw naman ang magpahinga, alam kong napapagod ka ng bantayan ako. Ako namang magbabantay sayo.” sabi nya sa akin habang nakangiti pa rin.

Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Kahit isang linggo na ang nakakalipas simula ng mawala ang Mommy nya ay nangangamba pa rin ako na baka may suicidal dilemma pa rin sya.

Huminga naman sya ng malalim saka pinahawakan sa akin ang kamay nya. “O ayan. Hawakan pang kamay ko! Kahit papaano natatanggap ko na na wala na nga si Mommy, lagi ko na lang iniisip na kasama na nya si Lord.” nakangiti nyang paliwanag sa akin.

Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Mukha ngang unti unti na nyang natatanggap ang nangyari sa Mommy nya. Nakaramdam naman ako ng pagod at antok kaya naman walang pag-aalinlangang pumikit na ako at umamot kahit kaunting tulog.

Nagising na lang ako ng parang nagkakagulo.

“Pare, dun na tayo sa labas. Baka magising si Red.” naulinigan kong sabi ni Mikel.

“Don’t you dare call me that! Tangina mo! Girlfriend ko yan e! Teka! Fiancée ko na nga yang pinapatos mo. Gago ka!” gigil na sagot naman ng kausap nya. Si King... Damn.. Gusto ko ng dumilat pero natatakot ako. Nahihiya ako. Nakahiga ako ngayon sa kama ng ibang lalaki. Alam ko sa sarili kong wala kaming ginawang masama at alam ng Diyos yon pero hindi ko kayang harapin ang galit ni King ngayon.

“Calm down. Dun na tayo sa labas. I’ll explain everything.” mahinahon namang sagot ni Mikel sa kanya.

Naramdaman ko pang minsan ang mga mabibigat na yabag at kilos na parang nagbabalyahan bago sumara ang pinto.

Napahinga ako ng maluwag at napaupo sa kama habang tutop ang aking dibdib.

Maingat akong lumabas ng kwarto para hindi nila mapansing gising na ako. Sinundan ko yung mga boses na nagsasalita hanggang sa makarating ako sa lanai nila Mikel.

Nagtago ako sa may malaking vase doon at kitang kita ko si Mikel at King na nag-uusap. Nakaupo si Mikel habang nakatayo naman sa harapan nya si King na nakapamaywang.

“Wala kaming ginagawang masama ni Red. Nandito lang sya para may makasama ako habang nasa ospital pa rin si Daddy. Inaamin kong nagiging pabigat na ko sa inyong dalawa. Ilang beses ko na ring sinabi kay Red yan pero ayaw nyang makinig sa akin.” paliwanag ni Mikel.

Napahilamos naman sa mukha nya si King. Matagal syang tumitig sa kawalan na para bang may malalim na iniisip.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong may lumapit na babae kay King at hinawakan nito ang balikat ng huli na para bang kinakalma ito.

Nang humarap ang babae ay parang gumuho ang mundo ko. Si Joyce!

“Di bale na. Aalis kami ni Joyce. Ikaw na munang bahala kay Red.” parang walang pakialam sa wika ni King.

Nanigas naman ako sa kinalalagyan ko habang nakatingin sa papalayong pigura nila King at Joyce.

Pakisampal ako. Kailangan kong magising sa masamang panaginip na to.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon