Article XXIII

2.3K 47 0
                                    

Magkahawak kamay kami ni King habang naglalakad sa field ng unibersidad na pinapasukan namin. Madilim na ang paligid at tanging mga ilaw na lang sa poste sa paligid ng field ang tumatanglaw sa dinadaanan namin. Malamig ang simoy na hangin pero hindi ko iyon alintana dahil sa init na nagmumula sa palad ni King.

“Ang tahimik mo.” Sabi nya sakin.

Tinitigan ko naman sya ng ilang sandali bago ngumiti at tumingin muli sa dinaraanan namin.

“Wala lang. Gusto ko lang yung ganito. Tahimik pero alam kong nasa tabi kita.” Sagot ko naman sa kanya. Kulang tatlong linggo na lang at matatapos na ang palugit sa akin ng tatay nya para mapapayag ko sya sa posisyon na matagal ng iginigiit ng tatay nya sa kanya. Lagi naman kaming magkasama at halos buong campus maging lahat ng tambayan nya ay alam na na ako ang girlfriend nya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot.

Humigpit naman ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Humugot muna sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

“Ngayon ko lang naramdaman yung ganito. Parang sumisikip yung dibdib ko tuwing nakikita kita. Hindi dahil may nararamdaman akong masama kung hindi sa sobrang pagmamahal sayo nito.” Saka nya itinuro yung bandang puso nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Kinalas nya yung pagkakahugpong ng mga kamay namin at pumwesto sya sa likuran ko at niyakap ako mula doon.

Naramdaman ko namang pinatong nya yung baba nya sa may balikat ko samantalang hinawakan ko naman ang mga kamay nyang nasa tyan ko.

Halos tumindig lahat ng balahibo ko sa batok ng maramdaman kong inamoy nya yung buhok ko. “Mamamatay ata ako kapag iniwan mo ko.” Malumanay na usal nya.

Napatindig naman ako sa sinabi nya. Umalis ako sa pagkakayakap nya at hinarap sya. “Sobra ka naman!” pabirong kong sabi sa kanya pero sa totoo lang halos hindi ko na marinig yung sinasabi ko dahil parang lalabas na sa dibdib ko yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Seryoso naman syang tumitig sa akin bago sinabi ang mga salitang halos magpabingi sa akin.

“Totoo yun Red. Ngayon ko lang naramdaman ‘to at hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag iniwan mo ko. Kaya ipangako mong wala ng iwanan ‘to.”

Napatitig naman ako sa mukha nyang puno ng pagmamahal at pag-asa. Napapikit ako ng mariin habang marahang tumatango sa kanya. Sinusunog na siguro sa impyerno yung kaluluwa ko ngayon pa lang dahil sa mga kasinungalingang pinagsasasabi ko. Oh.

“Tara! Alam ko namang hindi mo ko iiwan!” nakangiti nyang wika atsaka na nya ko hinila sa kung saan.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon