Article LXXXVII

1.8K 31 7
                                    

AUTHOR’S POV

 

Habang nasa kamay ng kabilang fraternity si Red ay hindi naman mapakali si King sa harap ng kanyang mga miyembro.

“Pare.. paano bang gagawin natin?” natataranta na ring wika ni Mirai.

Napahawak sa noo niya si King dahil hindi sya makaisip ng magandang pwedeng gawin.

“We can go with you.” Ani Draven.

“No...” nanghihinang usal ni King. “Mas mapapahamak si Red kapag nakita nila kayo.” Bigong wika nito.

“Then we can hide somewhere.” Sagot ni Mirai.

“Hindi iyon ganun kadali.” Frustrated na wika ni King.

“Excuse me gentlemen.” Agaw atensyon ni Rafa na nakaharap sa kanyang Macbook.

“This is Ruth Cunanan. It’s confirmed. Yung nakasama ni Red sa club at yung babaeng naging pain para mabugbog si Jeffrey ay iisa.” Kumpirmasyon ni Rafa.

Kitang kita sa mukha ng lahat kung gaano sila nanlumo dahil sa natuklasan. Dapat matagal na nilang pinagtuunan ng pansin yung insidente na yon nang hindi na umabot pa sa ganito.

“Now.. what?!!” sigaw ni King. “Hindi... Hindi pwedeng masaktan si Red!” nanginginig na wika nya.

“I have a plan.” Kalmadong wika ni Rafa. Inspite of her angelic face, their lived a lioness inside her soul. Alam nilang lahat yon. Dahil sya lang ang nananatiling kalmado sa kanilang lahat. Hindi sila makapag-isip ng mabuti dahil ang nasa isip lang nila ay ang kalagayan ni Red.

Umupo sila sa pabilog na mesa na nandoon at nakinig sa plano ni Rafa. There’s no more time left. They need to be quick.

“Now, let’s go. Walang magpi-freak out, utang na loob! Para mailabas natin ng ligtas si Red, walang mag-aala superhero mamaya dyan. Do you understand?” seryosong wika nito. Napatango naman silang lahat.

“God, help us.”

(An/ Who wants dedication? Kindly comment your username below. :))

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon