Article LXIX

1.9K 42 1
                                    

Nakapikit lang ako ng mariin habang mabagal kaming sumasayaw ni Mikel.

Naririnig ko pa ang tibok ng puso nya mula sa pagkakasandal ko sa dibdib nya.

Nanghihina ako.

Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari at kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Panaginip ba to? Baka naman hindi pa talaga bumabalik si King at nananaginip lang ako ng gising?

Pero hindi.

Ramdam na ramdam ko yung sakit habang nakatingin ako sa nagsasayaw na sina King at Joyce.

“Wag ka ng tumingin.” Sabi ni Mikel.

“Ha? Anong nakatingin? Saan?” maang na sagot ko sa kanya.

Tumawa naman sya ng marahan. “Hindi ako sanay na tanga ka Red. Pati hindi bagay sayo.”

Napahigpit naman yung pagkakakapit ko sa batok nya. Napangiti ako ng mapait.

“Masakit pala pero hindi ko kayang hindi sila titigan. Simula kasi nung bumalik si King ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan. Gusto ko lang makita. Gusto ko lang itatak sa isip ko yung itsura nya kapag nakangiti sya.” Naramdaman ko na lang ang isang butil ng luha na umalpas mula sa mata ko.

“Pasensya na.” wika ni King.

Napabuntong hininga na lang ako.

“Alam kong hindi mo naman alam na magkakilala si Joyce at King.”

Naramdaman ko naman ang  marahan nyang pagtango.

Mas pinagmasdan ko pa ang sweet na pagsasayaw nila King, mas matagal pala mas masakit. Nagbubulungan pa sila minsan saka sila sabay na tatawa.

Parang nagdidilim na yung paningin ko at gusto ko na silang sugurin dalawa pero alam kong ako lang naman ang magmumukhang tanga at magmumukhang katawa tawa sa bandang huli kaya hindi bale na lang.

“Do you want to get even?” tanong sa akin ni Mikel.

Tinanggal ko naman ang pagkakasandig ko sa dibdib nya at tiningnan ko sya sa mga mata nya.

Nakangiti naman nyang pinunasan ang mga luha sa mata ko.

“Close your eyes.” Mahinang usak nito.

May ideya na ko kung anong balak nya pero pumikit pa rin ako. I’m not a hypocrite to say that I don’t want to get even. Yes. I want to get even. Gusto kong iparamdam kay King kung gaano kasakit ang ipinararamdam nya sa akin ngayon. I want to hurt him. So bad. Pero ang malaman na hindi sya masasaktan sa gagawin ni Mikel ngayon ang makakapatay sa akin.

Naramdaman ko na ang paglapat ng labi ni Mikel sa akin. I felt nothing but pain. Parang mas lalo akong naiiyak sa ginagawa namin. Hindi ko na hinayaang lumalim pa iyon at agad na kong kumalas at niyakap ko sya ng mahigpit nang bigla na lamang tila isang bakal na kamay ang humila sa braso ko.

Napaigik naman ako sa sakit na naramdaman ko.

“Ouch!” inda ko sa sakit ng braso ko habang hawak pa rin ng mahigpit iyon ni King. Nag-aapoy ang mata nya sa galit habang nakatingin sa amin ni Mikel.

“What is the meaning of this?” gigil na tanong nya.

“Alin? Wala namang masamang magsayaw, kayo nga ni Joyce e-

“BULLSHIT! Bakit kayo naghahalikan?!!” galit na galit nyang tanong.

Marami ng tao ang nakapalibot sa amin at ayaw ko ang atensyon na nakukuha ko sa ngayon.

“Bitawan mo ko.” Malamig kong utos sa kanya.

Tiningnan ko sya ng walang emosyon at kitang kita ko kung paano rumehistro ang takot sa mga mata nya. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin hanggang sa nakawala na ko sakanya at walang lingon-likod na kong naglakad papalabas ng bulwagan na iyon.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon