Article XIX

2.5K 53 0
                                    

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang pasakay sa Lexus nya.

“Date nga.” Nakangisi nyang sagot sa akin. Kanina pa yan ganyan. Simula nung nagbebreakfast kami hanggang ngayon. Naiinis na ko.

“Clue..” sabi ko naman sa kanya. Hindi ako pwedeng magpatalo sa emosyon ko. Patience is a virtue.

“This date will make our relationship official..” saka pa sya ngumiti sa akin saka na nya sinara yung pinto sa side ko.

Napatingin naman ako sa kanya habang lumiligid sya papunta sa driver’s side. Make our relationship official? Say what?

May hinala na ko kung saan kami pupunta pero ayaw kong kumpirmahin yun. Hindi sa natatakot ako pero masyado pang maaga para dun pero ganun naman ata talaga ang tadhana. Kung ano ang ayaw mo, iyon ang ibibigay sayo. Napangiti na lang ako ng pilit nang pumasok kami sa isang eksklusibong village matapos ang labinlimang minutong byahe.

“Ipinangako ko kay Mommy na kapag nahanap ko na yung babaeng unang magpapatibok ng puso ko ay dadalhin ko kaagad sa bahay at ipapakilala sa kanila ni Daddy.” Nakangiting sabi sakin ni King. Nginitian ko naman uli sya pero alam kong halata sa mukha ko ang tensyon.

“Wala kang dapat ipag-alala. Mabait sila. At alam kong magugustuhan ka nila lalo na si Mommy.” Wika nya at hinawakan ang kamay ko.

“Let’s go?” aya nya. Huminga naman ako ng malalim saka tumngo sa kanya.

Paglabas pa lang ng kotse ay kitang kita ko na ang engrandeng double door nila King. Humihiyaw ang estado nila sa lipunan base pa lang sa kung anong makikita mo sa bahay nila. Too bad, mawawalan ng saysay ang lahat ng ito oras na iwanan ko sya.

Pagbukas pa lang ng pintuan ay sinalubong na agad kami ng isang sopistikadang babae na sa hula ko ay Mommy ni King. Nakangiti sya sakin habang naglalakad papalapit sa amin.

“Hi there son!” bati nito sa amin saka ako binalingan.

“So, is she the lucky girl?” baling nito sa akin.

“Yes Mom.” Nagmamalaki namang sagot ni King.

“Hello po Ma’am. It’s nice to meet you po.” Magalang kong sabi sa kanya.

“Napakapormal mo naman hija. Syempre mas masaya ako na makita ka.” Lumapit sya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kakaiba habang yakap nya ko. Parang pamilyar ang yakap na ‘to. Parang yung kay Mama. No. hindi ko muna dapat silang isipin.

“Thank you po.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Mom, nasan si Dad?” tanong ni King habang lumilinga.

Kumabog namang bigla ang dibdib ko ng hanapin ni King ang ama nya.

“Red Del Valle.” Ani ng isang tinig na nagpatulos sa kinatatayuan ko.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon