Article XXII

2.5K 50 0
                                    

Naiwan kaming dalawa ni Joyce sa table namin habang umorder naman si Draven at King sa may counter. Nakatingin lang ako ng matiim kay Joyce habang nakatingin naman sya sa mga daliri nya na nakapatong sa lamesa.

Tumikhim naman ako dahilan para mapatingin sya sa akin. Kaagad ko naman syang nginitian. Ok lang naman sakin na magtitigan na lang kami habang hinihintay namin yung dalawa pero ewan ko parang may kung naong nagtutulak sa akin para usisain ko itong babaeng nasa harapan ko.

“So, matagal ka na bang wala dito sa Pilipinas? I mean, sabi kasi ni King nandito ka lang para magbakasyon.” Tanong ko sakanya.

Ngumiti naman sya ng nahihiya bago sumagot. “Mga 3 years na rin simula nung nag-migrate yung pamilya namin sa London. Nandoon kasi naka-base yung main branch ng kompanya ng pamilya namin kaya kinailangan na rin naming tumira don.” Simpleng sagot nya sakin. Napatango naman ako.

“Matagal na kayong magkakilala ni King?” tanong ko ulit. Nakita ko naman kung gaano nagkaroon ng liwanag ang mukha nya ng banggitin ko yung pangalan ni King. And I will tell you, ayaw ko ng aura na ganyan. Aurang panira ng plano yan.

“Since we were in JC naging magkaibigan na kami.” Natawa pa sya ng marahan na para bang may kung anong kakatwang pangyayari sa una nilang pagkakakilala.

(an/ JC- Junior Casa - corresponds to Nursery in other schools. This level consists of children aged 3 - 4 years old. This may include 4 1/2 years old children without previous schooling and who lack basic knowledge in Language and Math.)

Nanatili naman akong tahimik bilang senyales na gusto kong ipagpatuloy nya yung pagkukwento nya.

“Nakakahiya kase nung unang araw na pumasok ako sa JC. Natatakot ako kasi new environment sa akin yung ang dami kong batang nakikita. Tapos, bawal naman yung parents namin sa loob kaya naiiyak na talaga ko. Pero tandang tanda ko yung batang lalaki na katabi ko nun. Paulit ulit nyang sinasabi sa akin na wag na raw akong umiyak at poprotektahan nya ko. Pero hindi pa rin ako mapalagay nun tapos sabi nya dun sa mga katabi namin ‘Nakikita nyo ba tong bata na to? Wag nyong aawayin yan kase pinoprotektahan ko yan! Lagot kayo sakin kapag pinaiyak nyo yan!’ Unti unti na nun nagiging payapa yung pakiramdam ko. Tapos sabi pa nya nung huli ‘Mamaya. Kailangan matulog ka kasi kapag gising mo nandyan na si Mommy mo sa tabi mo.’ Sabi ko naman sa kanya nun na hindi ako sanay matulog mag-isa pero ang sabi nya wag daw mag-alala kasi tatabihan nya ko sa pagtulog. Hindi ko raw kailangan mag-alala dahil sya ang hari sa classroom na yon at walang sinuman ang makakapanakit sa akin. From that day on, naging magkaibigan na kami. Napakabait nya talaga at nagpapasalamat ako na nandun sya nung kailangang kailangan ko sya.” Nakangiting kwento nito. I can imagine it. Biglang umusbong ang inggit sa puso ko nung narinig ko yung kwento nya na yun. Dahil nung JC ako walang isang batang lalaki ang nangahas na patahanin ako nung umiiyak ako dahil unang una sa lahat wala na rin naman si Mama para sunduin at bantayan ako.

Binalingan ko naman syang muli at nginitian ng mapait. “At si King ang batang lalaki na yun?”

Nakangiti naman syang tumango sa akin.

“Hey there! Mukhang naikwento na ni Joyce yung pagiging iyakin nya nung bata kami?” pabirong sabi ni King.

Tumawa naman ng marahan si Joyce sa sinabi nya.

Isa lang ang narealize ko sa nadiskubre ko ngayon. Hindi ko na kailangan pang mag-alala kung sakali mang iwanan ko si King dahil may isang babaeng handang damayan sya sa oras na  kailangan nya nito. Pero bakit parang ayaw kong mangyari yun? Parang may nagdidikta sa akin na ako lang dapat ang nagpapangiti kay King? Na dapat ako lang yung reyna nya?

Teka lang. Hindi naman siguro ako nahuhulog sa sarili kong patibong?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon