Article XCVII

1.9K 30 1
                                    

2 years later.

Malakas ang ihip ng preskong hangin na nanggagaling mula sa kailalim ilaliman ng burol na kinaroroonan nya ngayon. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ito masakit sa balat. Ang mga huni ng ibon ay tila ba nagsisilbing isang malamyos na musika para sakanyang pandinig. Pinakiramdaman nya ang malambot at malamig na pakiramdam na hatid ng sariwang damo sa kanyang hubad na paa. This is life.

"Nandito ka lang pala." Ani ng isang boses sa kanyang likuran.

Nilingon naman nya ang bagong dating at nginitian. Ibinukas nya ang kanyang mga bisig at nangingiting lumapit sa kanya ang lalaking pinakamamahal nya habang tinatanggap ang mahigpit na yakap nya.

"This is my favorite place here." Wika nya.

"I know." Nakangiting tugon nito sakanya sabay pisil sa kanyang ilong. Napahagikgik naman sya sa inakto nito at saka nya inihilig ang kanyang ulo sa mabango nitong dibdib.

"We can live here if you want." Wika nito matapos ang sandaling katahimikan.

Dahan dahan naman syang umiling.

"Gusto ko dito pero hindi pa ngayon. Next year na yung graduation ko at ayaw ko ng mapostpone yon." Paliwanag nya naman.

Tumango naman ito ng nakakaintindi.

"Pwede naman tayong bumisita dito kahit kelan natin gusto."

Napangiti sya.

"I want to live here with you. Someday." Wika nya.

Naramdaman naman nya ang kuntentong paghinga nito.

"Everything will be fine now. They're responding well in the new treatment the doctors had given them." Usal nito sa kanya.

Napatango sya ng malungkot.

2 years had been a very fast-paced chapter of their lives. Mirai and Rafa hadn't been awaken since the incident, the doctors said that they must been on a long journey. It's funny yet confusing. But the thing is we will not get tired of waiting. Waiting for their comeback and if that day came I can finally say Yes to this amazing man beside me.

"It's great to hear that. Pag nagising talaga yang Mirai na yan, sasapakin ko talaga yan!" Sabi nya pero alam nyang hindi nya kayang gawin.

"Well then, we need to practice. Let's start by going back in our house." Sagot nito sakanya saka sya nito hinawakan sa kamay matapos nito isuot sa kanya ang sandals nyang nasa isang tabi.

Napangiti sya. Oh, how he love this man!

"I love you." Mahinang usal nya.

Nilingon naman sya nito at nginitian.

"I know and so am I."

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon