Article XCV

1.8K 31 1
                                    

I looked at Mirai. Ang himbing ng pagkakatulog nya. Like there’s no problem.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbing lalabas mula dito. May isang tubo na nakakabit sa bibig nya at isa rin sa ilong nya. 

He looks so helpless. Ayoko syang makita na ganito. I want him alive and kicking!

Naramdaman ko ang pagpisil ni King sa balikat ko. Tiningnan ko sya at kitang kita ko rin sa mga mata nya ang kalungkutan.

Matapos ang ilang minuto ay napakalma ko na rin ang kalooban ko.

“Kamusta sila?” mahina kong tanong. Ni hindi ko kayang sabihin ang pangalan ng mga walang pusong tao na yon!

“Nasa state of coma si Mr. Tiongson, seems like napuruhan talaga sya ni Mirai. Si Mikel naman..” saka sya lumingon sa akin. Pero hindi ko pa rin inaalis kay Mirai ang tingin ko kaya matapos huminga ng malalim ay nagpatuloy sya. “Si Mikel naman nasa custody sya ngayon ng NBI, iniimbestigahan pa rin kung anong kaso ang maaaring ipataw sa kanya. Well, as for Ruth... she’s dead. 20 gunshots. I once thought that she’s kind of immortal.” Naiiling na paliwanag ni King.

Napahinga ako ng malalim. I think it’s all over now. Ang kailangan na lang naming gawin at hintayin nag paggising ni Mirai and Rafa then we can all start anew again.

“Anong sabi ng mga doctor sa kalagayan ni Mirai at Rafa? Kailan daw sila magigising?” nababagabag kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat lang sa akin si King. Tingin ko sakanya ay parang nawawalan na sya ng pag-asang gigising pa nga ang dalawa. Napapikit ako ng mariin. Hindi pwede to.

“We just need to be patient, right? Gigising din silang dalawa. I believe in them. Babalik sila.” Pagpapalakas ko ng loob ko. Hinila naman ako ni King at niyakap ng mahigpit.

“Of course Bave, they can make it. Malakas sila pareho. Kailangan lang nating maghintay.” Assurance nya sa akin. Napatango naman ako habang wala na namang tigil ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

We’ve come this far. Wag naman sana silang bibitiw.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon