Article XLVI

2K 47 2
                                    

Palabas na ko ng bahay nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Shit. Hindi ako pwedeng bumyahe ng ganito unless nagpapakamatay na ko. Napapikit ako ng mariin. Dali dali kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko matapos kong maalala na may technology nga pala. Tsk. I hurriedly dialed King’s number hoping that he would eventually pick up the phone for me.

The number you are calling is out of coverage area. Please try ag-

 

Nanlumo na lang ako ng panglimang tawag ko na ay operator pa rin ang sumasagot sa akin. Wag naman sana syang umalis. Please.

Sikat ng araw ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog ko sa loob ng kwarto ko. Bumalikwas ako ng bangon ng maalala kong kailangan ko pa nga palang puntahan si King. Pababa na ko ng makaamoy ako ng mabangong niluluto sa kusina namin. Pagsilip ko doon ay nakita kong may isang matandang babae na nagluluto.

Nang napansin nyang may nanunuod sa kanya ay dahan dahan syang lumingon sa akin at parang nagtubig agad ang kanyang mga mata sabay punta at yakap sa akin.

“Red? Ikaw na ba yan?”sabi nya sakin.

Napakunot naman ang noo ko sakanya. Hindi ko sya kilala.

“Ganun na ba talaga tayo katagal hindi nagkita para hindi mo ko makilala?” parang nagtatampong tanong nito sa akin.

Pinilit ko naman syang alalahanin nang isang nakangiting babae ang lumitaw sa alaala ko.

“Nanang?” nangingilang tanong ko sakanya.

“Ako nga.” Saka nya ako muling niyakap. “Akala ko hindi mo na ko makilala.” Nakangiting wika nito sa akin.

Yeah. I do remember her. Sya yung nag-iisa naming katulong bago mamatay sila Mama at Papa. Nagulat na lang ako ng namatay sila Mama ay nawala na rin sya.

“Bakit po nawala rin kayo nung namatay sila Mama?” tanong ko sa kanya habang sumusubo ako ng niluto nya.

Nakita ko namang nag-iwas sya ng tingin sa akin. “Pasensya ka na Red. Sinabihan kasi ako ng Papa mo noon na oras na mawala sila ay magbakasyon muna ako sandali. Ayaw ko pa ngang maniwala sa kanila, pero totoo nga. Sobrang nalungkot ako nun pero wala akong magawa dahil alam kong madadamay ang sarili kong pamilya kapag hindi ko sya sinunod. Napakasakit sa aking umali nung mga panahon na kailangang kailangan nyo kong magkapatid.” Malungkot na wika nito. Napatango naman ako ng dahan dahan.

Nagpaalam na rin ako sa kanya matapos kong kumain. Tumawag pala yung gwardya kagabi kay Kuya at sinabing umuwi ako kaya pinapunta nya ng maaga si Nanang.

Nagdadrive na ako ng maalala kong tawagan ang Daddy ni King.

“Hello Tito Troy?”

“Bakit Red?” parang nag-aalangang sagot nito sa akin. Parang may mali.

“Hindi ko po macontact si King kagabi pa. nandyan po ba sya?” tanong ko sa kanya.

“Ah. Red. Kasi umalis na sya kagabi pa.” tugon nito.

“Po? San po sya nagpunta?” kunot noong tanong ko sakanya habang iginilid ko muna yung kotse ko, maaaksidente pa ko nito.

“Hindi rin namin alam. Basta bigla na lang syang nawala, at ang sabi nya’y wag na namin syang hanapin dahil babalik din sya.” Malungkot na wika nito sa akin.

“Pero Tito! –

“Teka Red, napapansin kong kanina mo pa ko tinatawag na Tito. A-Alam mo na ba?”

“Opo. Kagabi pa.” sagot ko sa kanya pero hindi pa rin ako mapakali.

San ka ba nagpunta King? Shit. Ako pa ba maghahabol ngayon?

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon