Article XXXIII

2.2K 46 1
                                    

“Isang Linggo.”

 

Ang nakasulat sa itim na papel na nakaipit samay locker ko. Katulad ng dati, nilukot ko lang iyon at itinapon sa nadaanan kong basurahan.

Naglalakad na ko pauwi. Tapos na ang klase ko para sa araw na ito. Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa akin.

“Tinetext kita.” Sabi nya. Napangiti na lang ako. Tinitigan ko ang masaya nyang mukha. Hindi ko  maiwasan ang malungkot.

Bakit ang bilis lumipas ng oras kapag masaya ka?

Kinuha ko naman ang cellphone na nasa bulsa ko at ipinakita sakanya.

“Nadrained.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

Tumango tango naman sya at ipinadausdos nya yung kamay na nasa balikat ko papunta sa kamay ko.

Huminga ako ng malalim. Eto na ang tamang panahon.

“Sa condo ka tumuloy ngayon?” tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman sya sakin ng malisyoso. Binatukan ko nga!

“Gusto kong magroad trip mamayang gabi.. wala si Prof  bukas diba?” sabi ko naman sa kanya. Tumawa lang naman sya.

“Sige.. daan muna tayo sa bahay palitan ko lang ng pick up yung kotse ko. I have a better idea.” Saka pa nya ko kinindatan.

11:00 PM

Saturday

“This is perfect.” Bulong ko.

Akala ko sa movies lang pwede mangyari to. You know, kayong dalawa sa ilalim ng buwan.

Nung sinabi ni King na meron syang mas magandang idea. Tama lang na naniwala ako sa kanya. Pano ko ba idedescribe?

Pinuno namin ng mga blankets at unan yung likod ng pick up nya then voila! Perfect roadtrip.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon pero ang alam ko lang ay nasa isang open field kami habang nakahiga sa likod ng pick up nya.

“Malapit na..” sabi nya.

Napalingon naman ako sa kanya.

“Ang alin?”

Ngumiti naman sya habang nakatingin sa itaas.

“Yung araw na unang tumibok to.” Sabi nya saka nya itinuro yung tapat ng puso nya.

Oo nga no? pero hindi na kami aabot pa dun.

“Anong balak mo sa araw na yun?” alam kong hindi ko na dapat itinanong pa sa kanya yun. Dahil nararamdaman ko na naman ang unti unting pagsisikip ng dibdibko pero kahit alaala man lang. gusto kong maramdaman.

“Basta. Surprise.” Nakangiti nyang sagot.

Hindi na ko nagtanong. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

Sayang. Hindi ko man lang malalaman kung anong surprise yun.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon