Article LVII

2K 38 0
                                    

Natatawa pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Mikel dito. Of all places on Earth!

“Makatawa ka naman dyan! Hindi ka makapaniwala na nasa eskwelahan ako ngayon? Nagbago na ko hoy!” saka ito umismid sa akin.

Natawa naman akong muli. Ok. Sige. Ikukwento ko na. Ganito kasi yan. Dun sa pinagtaguan namin ni Kuya ng matagal na panahon, sya yung paborito kong i-bully don. Kaya naman hindi ako makapaniwala na makikita ko sya ngayon dito kasi alam kong allergic sya sa eskwelahan ng dahil sa akin kasi nga lagi ko syang binubwisit. Pero syempre eka lang nya yon dahil simpleng tamad lang naman talaga sya. Naalala ko pa nga dati nung tinulungan ko syang tumakas kasi hindi nya nadala yung project nyang basahan! Oo! Basahan! Hanep talaga! Ayaw kase mag-aral kaya pinagdala na lang ng basahan! Hindi ko rin sya agad nakilala dahil payatot sya nun pero ngayon well-built na yung katawan nya. May napapansin nga ako e. simula pagkabata puro lalake nagiging kasa-kasama ko. Hindi kaya tomboy ako? Ay. Langya. Pagkatapos ng lahat ng drama ko kay King, lesbiana  pala ako? Napangisi ako sa pagbabalik tanaw ko. Eto lang kasi yung mga alaala na nagpapangiti sa akin. Other than this? Wala na kong maalala.

Tinusok ko naman yung peklat nya sa kilay nya.

“Kung hindi dahil dito hindi kita makikilala. Pasalamat ka na lang talaga at itinulak kita sa barbwire nung nakalimutan mo yung project mong basahan.” Saka ako humagalpak ng tawa.

“Punyeta ka talagang babae ka e no? Ang saya mo pa talaga!” sabi nya sakin habang naniningkit yung singkit na nyang mga mata.

Napangisi naman ako sakanya. See? Pasalamat sya at hindi pa bali yung buto nya ngayon matapos nya kong sabihan ng punyeta.

“E ba’t ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya.

“Nag-aaral.” Maikling sagot nya sakin. Natawa naman akong muli. Alam ko yan kung bakit ganyan lang yung sagot nyan, alam nya kasing aasarin ko na naman sya. Pero ngumiti lang naman ako sakanya. Lumaki na kami. Bata pa lang kami nun kaya ganon pa ko pero nagbago na ko.

“Good for you then.” Sabi ko.

Nanlaki naman yung mata nya sa sinabi ko at hinawakan yung noo ko.

“Hindi mo ko aalaskahin? Seriously?!” manghang manghang tanong nya sa akin.

Nakangiti naman akong umiling sa kanya. “Graduate na ko sa lahat ng pang-aasar ko sayo. Look!” saka ko sakanya pinakita yung engagement ring na galing kay King.

Ngumisi naman sya. “So you’re getting married?”

“Yap!” sagot ko naman.

“Who’s the lucky guy?” tanong nya.

“Makikilala mo rin sya.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Hindi na ko makapaghintay pa.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon