Article LI

2.1K 42 0
                                    

Tinitingnan ko si King habang umiinom at naninigarilyo sya sa may veranda ng condo nya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit dinala pa nya ko sa mausok at magulong club na yun samantalang iinom lang naman pala sya at manunuod lang ako sa paglalasing at pakikipaglandian nya sa iba’t ibang babae na nandoon. Napakapamilyar nung pakiramdam dahil ganitong ganito ko sya nakilala bago naging kame. Kaya nga ayaw ko sa kanya diba? Kung ako pa rin siguro yung Red isang taon na ang nakalipas baka nilayasan ko na lang sya. Pero hindi ko alam kung anong masamang hangin ang umihip sa akin at nagtitiis ako sa trato nya sakin ngayon.

Kanina ko pa gustong agawin yung hawak nyang alak at sigarilyo pero natatakot ako na baka mabadtrip na naman sya sa akin kaya nagkakasya na lang ako sa pagmamasid sa kanya. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ng matino at hindi ko alam kung makakapag-usap pa kami ngayon.

“Uhh, King? Kung hindi naman tayo mag-uusap ngayon, mabuti siguro kung umuwi na lang muna ako para makapagpahinga ka na rin.” Sabi ko sa kanya nung hindi na ko makatiis. Hindi na rin kasi ako komportable sa suot ko dahil naka-gown pa rin ako hanggang ngayon. At madaling araw na!

Tiningnan lang naman nya ko bago inisang hithit ang sigarilyo nya at itapon ito sa ashtray na nandoon.

“Ganyan ka naman diba? Laging nang-iiwan.” Sabi nya sakin,

Nanlaki naman ang mata ko sa naging sagot nya sa akin.

“Pwede pa naman tayong mag-usap bukas. Lasing ka na at alam kong pagod ka na ri-

“Akala ko ba namiss mo ko?” malungkot na tanong nya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong lumungkot ang mga mata nya habang nakatingin sa baso na nakalapag sa may mesa.

“Oo nga-

“Then dito ka na matulog.” Wika nya at pumasok na sa loob.

Agad ko naman syang sinundan. Umiinit na ang ulo ko sa isang to ah!

“Hindi pwede!” tutol ko sa kanya.

Humarap naman sya sa akin na nakangisi.

“Bakit? Natatakot ka ba sakin? Ilang beses na rin naman tayong magkatabi diba? Bakit parang first time mo ngayon.”

Naumid naman ang dila ko sa sinabi nya. Oo nga’t ilang beses na rin kaming nakatulog magkatabi pero iba naman dati. Hindi ko pa rin alam kung si King pa rin nga ba yung kaharap ko ngayon. Hindi naman ako bobo at estupida para hindi ko mapansin na may nagbago sa kanya.

“Wala akong dalang damit.” Eto na lang ang nasabi ko sa kanya. Tumaas naman ang dulo ng labi nya sa sinabi ko.

“Is that even a problem? Ang dami kong damit dito.” Wika nya habang hinuhubad na ang pang-itaas nyang polo.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Nagkasama din naman kami ng halos isang buwan peo hindi naman sya naghuhubad sa harapan ko noon. Teka. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makakakita ko ng hubad na katawan pero HAY! Putek na katawan yan! Ang init naman! Ipinaypay ko pa yung kamay ko sa mukha ko.

Nagulat na lang ako ng nakalapit na sa akin si King. Ipinulupot nya yung dalawa nyang braso sa bewang ko habang idinikit nya yung pisngi nya sa may leeg ko. Mas kinilabutan naman ako nung amuyin nya yung leeg ko. I swear! Tumaas na lahat ng balahibo ko sa ginagawa nya sa kin ngayon.

“I miss your scent. I miss hugging you. I miss your smile. I miss everything about you. And most of all, I miss doing this to you.” Mahinang wika nya sa akin bago unti unti nyang inilapat ang kanyang mga labi sa labi ko.

Nalalasahan ko pa sa labi nya yung ininom nyang alak at yung sigarilyo na hinihithit nya kanina at bigla ko ring naalala yung babaeng hinalikan nya kanina. At sukat noon ay para akong natatauhan na tinulak sya.

“What’s your problem?” parang naiiritang tanong nya sa akin.

Iniiwas ko naman yung tingin ko sakanya.

“You kissed a lot of girls earlier. I don’t want to have an indirect kiss with them.” Sagot ko.

Narinig ko naman ang mahina nyang pagtawa.

“I’ll wash my mouth then.”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon