Article IX

3.8K 65 0
                                    

“Kamusta ang pagkikita nyo Del Valle?” isang malamig na tinig ang bumasag sa katahimikan ng lugar na iyon.

“Madali lang naman pa lang paikutin ang anak mo. Wala pang isang segundo ay naniwala agad sya sa mga pinagsasasabi ko. Bigyan mo ko ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan sya pa ang magmamakaawa sayo para gawin mo syang Frat Master.” Malamig na sagot ko sa kanya.

Naulinigan kong tumawa sya ng marahan.

“Mayabang ka rin pala. Manang mana ka sa ama mo.”

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi nya pero napagdesisyunan kong wag na lang sumagot. Wala akong laban sa kanya sa ngayon dahil hawak pa rin nya ang kailangan ko.

“Osige. Isang buwan. Mas maaga, mas mainam. Kapag hindi mo sya nakumbinsi sa loob ng isang buwan? Anong magiging kapalit?” patuksong tanong nito.

“Sa’yo na ang hinihingi ko at mawawala na kaming muli na parang hindi naman kami lumitaw muli.” Mabigat ang hiningang sinabi ko.

“Osya. Magaling kung ganon. Magsimula ka na sa diskarte mo. Tumatakbo na ang oras mo at ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo na wala kasing tigas ang ulo ng anak ko.”

Napangisi na lang ako sa sinabi nya at tumalikod na sa kanya. Ni hindi ko pa rin nga nakikita ang mukha ng lalaking matagal kong hinanap pero wala na kong pakialam don. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mabawi ang susi na iniwan sa amin ng aming mga magulang bago sila mamatay.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon