Article LIX

2.1K 40 0
                                    

“Ready for the annual ball?”tanong sa akin ni Mikel habang kumakain ng kwek kwek.

“Hindi na siguro ako pupunta.” Sagot ko sa kanya saka ko na uli nilingon yung ginagawa kong module.

“But why?!!” exaggerated na tanong nya sa akin saka na nya itinapon yung cup nya sa tabi naming basurahan.

“Wala lang. Nakakatamad.” Nagkibit balikat na lang ako. Isang linggo ko na ring pinag-iisipan kung pupunta nga ako dun sa Annual Ball na yon. But since mukhang wala naman yatang balak si King na maging escort ko. Mas mainam pa na wag na lang akong pumunta.

“Wala ka lang escort e! Ako na lang!” nang-aasar na wika nya sa akin.

Tiningnan ko naman sya ng masama pero sa halip na matakot sa akin ay ngumisi pa sya.

Niligpit ko na lang yung mga gamit ko at naghanda ng umalis. Kabadtrip ‘tong Mikel na ‘to. Panira ng araw.

“Di ka na mabiro dyan!” habol sa akin ni Mikel habang naglalakad ako ng mabilis palabas ng campus.

“Heh! Tigilan mo kong halimaw ka!” asar na sabi ko sakanya.

“Kegwapo namang halimaw na ‘to!” yabang pa nito.

“Heh! Panget ka!” sigaw ko sa kanya saka ko mabilis pinatunog yung lock ng kotse ko.

Nagulat na lang ako ng pagpasok ko sa kotse ay sumakay sya sa driver’s side.

I glared at him. “Lumabas ka ngang bakulaw ka!” sigaw ko sa kanya.

“Nakakarami ka na ah! Nahe-hurt na ko!” hinawakan pa nito yung dibdib nito saka ngumisi.

Inirapan ko na lang sya at nagdrive na papuntang condo ko. Alam ko namang hindi na uubra yung pagbabanta ko sa lalaking to. Sya na ata yung pinakamakulit na taong nakilala ko sa tanang buhay ko!

Sunod lang naman sya ng sunod sa akin hanggang sa makarating ako sa loob ng condo ko.

“Anong gusto mong kainin?” tanong   ko sa kanya. Ako ng nagtanong dahil ayaw kong sya pa yung gumalaw sa kusina ko. Magfi-feeling chef na naman yan. Hay. Bakit ba nagpakita syang muliiii?!!

“Ako na.” kulit naman nya.

“Alam kong marami ka pang gagawin.” Nakangising wika nito. Saka ko lang naalala na marami nga pala akong mga reports na kailangang tapusin. Palibhasa magbabakasyon kaya tinambakan kami ng mga term papers ng mga professor namin. Napahugot na lang naman ako ng malalim na hininga. Seems like  I have no choice then.

“Osya. Pero binabalaan kita! Itatapon talaga kita dyan sa bintana ng condo ko kapag may kalokohan ka na namang ginawa.” Pagbabanta ko sa kanya.

“Wala nga! Ang kuleet! Sige na! Ako na dito.” Sabi nya sa akin habang inaangat angat nya yung dalawa nyang kilay.

“Psh. Pacute.” Bulong ko naman habang papasok ng kwarto ko.

AFTER 2 HOURS

Nag-inat inat pa ko bago lumabas ng kwarto ko. Tapos ko na lahat ng dapat tapusin at nagugutom na talaga ko ng sobra.

Paglabas ko pa lang ay ang mabangong pagkain na agad ang sumalubong sa akin. Lalo naman tuloy nag-ingay yung tiyan ko.

Napahinto na lang ako ng makita ko si Mikel na suot suot yung apron kong strawberry! Topless! Uhhh? Napatingin ako sa may sink. HUNK ALERT! HUNK ALERT!

“Kain na babaeng pula!” aya nito sa akin. Umupo naman ako ng dahan dahan sa may dining table ko habang abala pa rin sya sa niluluto nya.

Nagsimula na kong kumain dahil gutom na gutom na talaga ko.

Sarap na sarap naman ako sa luto nyang biglang may nagsalita mula sa pinto ng kusina ko.

“What is the meaning of this?”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon