Article LII

2.1K 46 0
                                    

Kanina pa ko nakaupo sa loob ng banyo ni King at hindi ako makapagdesisyon kung lalabas pa ba ko o dito na lang ako matutulog sa loob. Pinahiram naman nya ko ng damit nya at boxer nya pero yun na yon! Dahil nga nakagown ako na may kasama ng padding wala akong choice kung hindi takpan ang nasa harapan ko.

Pinagpapawisan na rin ako ng malapot habang pabalik balik na naglalakad sa loob ng banyo.

Maya maya pa ay kumakatok na nga itong si King. Lalo naman akong kinabahan.

“Dyan ka ba matutulog o dito sa kama?” naiinis na tanong nito sa akin.

“S-Sandali lang, lalabas na ko.” Wika ko habang inaayos ang sarili ko. Humugot ako ng isang mahabang hininga at nagdesisyong sa labas matutulog. Shit. Bakit ba kasi naisipan ko pang tanggalin yung extension ng buhok ko nung naligo ako. Kaya balik sa maigsi yung buhok kaya wala na talaga akong maipangtatakip pa sa harapan ko.

Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto ng banyo ni King. Nakita ko syang nakaupo sa kama nya habang nakasandal sa may headboard nito. Matiim syang nakatingin sa akin habang papalabas ako ng banyo. Nginitian ko naman sya ng alanganin abgo tuluyang lumabas sa loob nito.

“Uhh.. kahit sa sofa na lang ako.” Sabi ko sa kanya saka na ko nagmamadaling tumungo sa sofa na nasa bandang gilid.

“Dito ka na sa kama. Natatakot ka ba sakin?” tanong nya sa akin.

“Hindi ah!” sagot ko naman agad  sakanya.

“E bakit ayaw mong tumabi sakin?” nakakunot ang noong tanong nya sa akin.

Napairap na lang naman ako sa hangin at dali daling nagtungo sa kama nya at agad humiga patalikod sa kanya habang nakayakap sa harapan ko yung dalawang braso ko.

Naramdaman ko naman ang pagbuntong hininga nya sa likuran ko.

“Bakit kahit nasa tabi na kita parang ang layo layo mo pa rin?” mahinang tanong nya.

Para namang may humaplos na kung anong mainit sa puso ko.

“Nandito lang ako. Hindi na kita iiwan kahit ipagtabuyan mo pa ko.” Seryoso kong sagot sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya sa akin mula sa likuran. Ibinaon nya yung mukha nya sa leeg ko at ilang sandali pa ay alam kong mahimbing na syang natutulog.

Maybe some things never really changed. I still love him. But way way stronger right now. And I promised that I’ll never let go this time. I hope King thinks the same way.

“I love you.” Bulong ko sa kanya bago ako nahulog sa isang mahimbing na pagtulog.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon