Article XCII

1.8K 31 1
                                    

“Ako. May huling kahilingan ako.” Singit ni King.

Napatingin naman kami sa kanyang lahat. Nginisihan sya ni Ruth at lumapit sa kinatatayuan nya.

“Oh, well. Sige. Tutal naman mamamatay ka na rin naman.” Malademonyong wika nito.

“Kung papatayin nyo kami ni Red. Gusto kong yakap yakap ko sya.” Seryosong wika ni King.

Natigilan sandali si Ruth at tiningnan ako saka nya ulit tiningnan si King. Nagkibit balikat sya saka nya inutusan yung mga kasamahan nya palapitin sa akin si King.

Nung nakalapit na sa akin si King ay niyakap nya ko ng mahigpit.

“Bakit ang tagal nila?” mahina kong tanong sa kanya.

“They’re taking their time. Maghintay lang tayo. Kahit anong mangyari Red. Mahal na mahal kita.”

“Mahal din kita.” Sagot ko sakanya.

“Ok na? Simulan na natin.” Matapos sabihin iyon ni Ruth ay naramdaman ko na lang ang panginginig ng katawan ni King. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko kung paano sya nahulog sa sahig. Napaluhod naman ako saka ko iniangat yung ulo nya.

“Oh my God!” hindi ko na alam yung gagawin ko. Nakita kong sa balikat yung tama nya at nakapikit sya ng mariin dahil na rin sa sakit.

Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na pangyayari. Basta ang alam ko lang ay nagkakabarilan na. nakita ko na rin na lumabas na mula sa kung saan si Mirai, Rafa, Draven, at Kuya. Napapikit ako ng mariin. Diyos ko, anon a bang mangyayari?!

“King... King... Wag mo kong iiwan..” wala ng habas ang pagtulo ng luha mula samga mata ko. Nakita ko naman ang pagpipilit nyang dumilat.

“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” Mahinang tugon nya sa akin.

Yayakapin ko na sya nang biglang may humila sa buhok ko at pinilit akong itayo.

“Shit.” Sambit ko ng maramdaman ko ang pwersa ng humahatak sa akin.

“Sige! Magpaputok pa kayo! Tutuluyan ko to!” sigaw ni Ruth sa tabi ko at naramdaman ko pa ang pagdiin ng baril na hawak nya sa sintido ko. Napapikit ako at lalo pang umagos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi maalis ang pagkakatingin ko sa nakapikit na si King sa may sahig. Parang.. parang hindi na sya humihinga.. Lord! Diyos ko po! Wag si King..

Natigilan naman silang lahat at tumingin kay Ruth.

Nakita ko kung paano mag-usap ang mga mata nila Rafa at Mirai at sa isang iglap lang ay nasa tabi na namin agad si Mirai at naagaw na nya ako agad kay Ruth.

“Hi.” Bati sa akin ni Mirai nang mailayo nya na ako.

Nginitian ko naman sya pero nagulat na lang ako ng bigla syang tumumba sa harapan ko. Shit! May tama sya!

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon