Article XI

3.4K 55 0
                                    

Parang isang normal na araw lang kung saan papasok ako ng tahimik sa klase. Uupo sa likurang bahagi ng silid-aralan at tahimik na makikinig sa guro namin. Pero alam kong iba ang araw na ‘to sa iba ko nang napagdaanan simula ng pumasok ako sa unibersidad na ito. Dahil simula sa araw na ‘to, may tao akong kailangan kumbinsihin. Gagawin ko lahat ng paraan para lang mapapayag ko si King na pamunuan na nya ang fraternity na matagal ng inalagaan ng mga magulang nya kasama ang ilan pa nitong mga kaibigan. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ayaw ni King. Ayon kay Mirai ay maraming beses na raw kinumbinsi ng ama nito si King pero matigas daw talaga ang ulo nito at ayaw pumayag. Kakaiba talaga sya. Sya na nga ang hinahabol ng posisyon ayaw pa nya, samantalang yung iba halos magpakamatay na. Napailing na lang ako. Masyado ko na syang iniisip. Hindi maganda ‘to.

Pagpasok ko sa classroom ay isang tipikal na tanawin ang nakita ko. Ang mga kaklase kong walang pakialam sa isa’t isa habang lunod sa sarili nilang mga mundo. Magsama sama naman daw ba kase ang mga pinaka-wirdong tao sa mundo. Katulad ng dati, mas pinili ko ang likurang bahagi ng silid-aralan at tahimik na naghintay para sa professor namin sa araw na to.

Hindi pa naglipat segundo ay dumating na nga ang nakatakdang magkwento sa amin ng araw na yon. Pero hindi sya nag-iisa. Napangisi ako ng makita ko ang kasama nya.

“May I have your attention please? I have here your new classmate for this subject. Mr. Chavez, kindly introduce yourself.”

“Good afternoon everyone. King Chavez at your service. I’ll be attending this class for this sem and I hope you can help me when I needed to. Thanks!” saka pa sya kumindat.

At minsan pa ay napailing ako mula sa nakuha nyang atensyon sa mga kaklase kong ngayon lang ata nadiskubre na may iba pang emosyon sa mundo bukod sa pagiging blangko palagi. May mga impit na tili at hagikgik akong naulinigan sa harapan bago sila tumahimik lahat nang unti unting lumapit sa akin ang hari nila.

“Miss? Is this seat taken?” puno ng kumpiyansa sa sariling tanong nya sakin habang nakatingin sa upuan sa tabi ko.

“No.” saka ko sya nginisihan.

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon