Article LXXIII

1.9K 36 0
                                    

Pangatlo at huling gabi na ng lamay ng Mommy ni Mikel at kitang kita ko pa rin na hindi nya matanggap ang nangyari sa Mommy nya. Sa katunayan nga nyan, ni hindi nya pinabuksan yung kabaong ng Mom nya habang nakaburol ito. Hindi raw nya kayang makita na nakahiga sa loob non ang pinakamamahal nyang ina. Naaawa ako sakanya dahil napagdaanan ko na rin ang pinagdaanan nya ngayon. Ang masaklap pa, hindi pa rin alam ng Dad nya na patay na ang Mom nya dahil comatose pa rin ito hanggang ngayon.

Kaya nga hindi ko sya maiwan. Umuuwi lang ako kapag nagagalit na sa akin si King. Kung tatlong gabi na ko dito sa lamay, ganun na rin katagal nandito si King. Hindi nya ko iniwan kahit minsan. Madalang man nya kong lapitan pero lagi lang syang nakamasid sa lahat ng ginagawa ko habang nakaupo sa isang gilid.

Ike-cremate na rin bukas yung labi ng Mommy ni Mikel dahil ayon na rin sa kanya, wala na rin naman silang hinihintay pang kamag-anak. Isa pa yan kung bakit ako awang awa sa kanya. Sabi nya kasi sa akin nung tanungin ko sya kung bakit parang walang dumadalaw na kamag-anak nila, sabi nya sa akin, nasa ibang bansa na raw kasing lahat ng kamag-anak nila at matagal ng naninirahan doon kaya wala talaga syang inaasahang dadamay sa kanya ngayon lalo na’t mag-isa lang naman syang anak.

Natutulog sa isang gilid si Mikel at kaming dalawa lang ni King ang bantay sa labi ng Mommy ni Mikel. Magkatabi kami ni King sa pahabang sofa habang nakatitig sa kulay puting ataul sa harapan namin.

“Hindi ka ba hinahanap sa trabaho?” tanong ko kay King. Dahil sa pagkakaalam ko ay busy sya bago mangyari itong insidente na ito.

“That can wait.” matabang na sagot naman nya sa akin.

“Kaya ko naman dito di’ba? Napagdaanan ko na to dati, at alam ko ang pakiramdam.” wika ko.

“Kaibigan lang ba talaga ang turing mo kay Mikel?” tanong nya sa akin na talaga namang nagpagulantang sa sistema ko.

Marahas akong napalingon sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko.

“But of course! Anong gusto mong palabasin?” inis na tanong ko sakanya.

Nginisihan lang naman nya ko at tumingin na uli sa harapan namin.

“The way you cared for him. The way you hold his hands. The way you caressed his back just to comfort him. The way you hugged him tight when he feels down. The way you looked at him that shows too much concern. Fuck it, Red. You never fucking do that to me!!” madiin nyang wika sa akin.

Napailing naman ako habang nakakagat sa labi ko. Ayaw kong magsalita dahil alam kong masisigawan ko lang sya. Ayoko ring pag-usapan tong pinag-uusapan namin sa harap pa mismo ng isang namatay na.

“Nagseselos ka ba?” I asked him instead.

“Hell, yeah!” matigas na sagot nya sa akin.

“Kaibigan ko si Mikel, King. Kailangan nya ko ngayon. You see? Ni walang dumalaw na kamag-anak nila tapos coma pa rin hanggang ngayon yung Dad nya! Ako na lang ang meron sya sa ngayon King. Hindi mo ba naiintindihan yon?” frustrated na paliwanag ko sa kanya.

“Damn. But I need you too.” mahinang sagot nya sa akin.

Napailing na lang ako sa kanya. He’s being selfish again. Just like what he used to before.

“Matatapos na ang lahat ng ito bukas. Kung gusto mong magbakasyon tayong dalawa, then let’s do it!” usal ko.

“Matatapos nga ba?”

I'm Dating The Frat Master (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon